Kilalanin ang napaguwapong anak ni Toni Gonzaga na si Severiano Elliott Gonzaga Soriano

Kilala-kilala si Toni Gonzaga sa mundo ng show business. Sa katunayan hindi lamang sa pag-arte magaling si Toni Gonzaga dahil hindi rin matatawaran ang kaniyang talento sa pagkanta. Sa parehong industriya niya rin nakilala at kalaunan ay napangasawa si Paul Soriano na isang director at isang producer.


Image Courtesy: Toni Gonzaga / Instagram

Ang kanilang pagsasama at pagmamahalan ay nagbunga ng isang anak na lalaki. Ayon naman sa aktres na si Toni Gonzaga ay nakakaramdam siya ng takot na ang kaniyang anak ay susunod sa kaniyang yapak sa industriya ng show business.


Image Courtesy: Toni Gonzaga / Instagram

Pahayag din ng aktres sa isang panayam sa kaniya ni Wil Dasovich na malinaw na sa kaniya ang lahat. Bilang magulang, ang kaniyang layunin ay ang suportahan at laging nandiyan para sa kaniyang anak sa mga gusto nitong gawin sa kaniyang buhay.

Sabi niya rin na ganoon daw ang kanilang naranasan sa kanilang mga magulang. Hindi raw tayo nandito upang sila ay diktahan sa kanilang gustong gawin. Nandito tayo upang sila ay suportahan at mahalin. Sinabi rin ng aktres na hahayaan niya ang kaniyang anak na maging kung sino o ano man ang gustohin niya. Sa ngayon daw ang hilig ng anak ay maging isang car racer.


Image Courtesy: Toni Gonzaga / Instagram


Image Courtesy: Toni Gonzaga / Instagram

Nakaraan taon naman daw gusto niyang maging piloto. Suportado naman daw siya ng kaniyang ina na si Toni Gonzaga. Habang lumalaki raw ang kaniyang anak na si Seve, naniniwala si Toni na mahahanap niya ang kaniyang sariling kagustohan at mga hilig sa buhay.


Image Courtesy: Toni Gonzaga / Instagram

Sinabi niya rin na sa sandaling pinagbawalan natin ang ating mga anak, doon daw nagsisimula ang kagustohan nilang gawin ang ating ipinagbabawal. Ayon din kay Toni na wala sa isip ng kaniyang anak na ang pamilya nila ay sikat. Dagdag pa niya na hindi daw nila hinahayaan na malaman ng anak, na aktres ang kaniyang ina at director naman ang kaniyang ama.


Image Courtesy: Toni Gonzaga / Instagram


Image Courtesy: Toni Gonzaga / Instagram

Ang alam lang ng kaniyang anak ay may mga trabaho sila. Pero may mga panahon daw na napapanood siya ng kaniyang anak sa TV. Wala pa rin daw konsepto na gusto ng kaniyang anak maging katulad ng kaniyang ina. Nakatuon naman daw sila ng kaniyang asawa sa paglinang ng karakter ng kaniyang anak. Sa pag-uugali at prinsipyo na kaniyang kalalakihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.