Ito na ngayon ang buhay ng dating childstar na si Eliza Pineda na minsang gumanap bilang Flor De Luna

Kadalasan, iilan sa mga aktor at aktres sa industriya ang dumarating at umaalis. Ang iba sa kanila ay pinipiling manatili sa kadahilanang mas nasisiyahan sila sa pagiging artista, ang iba naman mas pinipilli na lamang umalis sa kalagitnaan ng pag-usbong nila sa industriya.


Photo courtesy: Eliza Pineda | Instagram

Sa kabutihang-palad, mayroon namang mga artista ang pinalad sa kanilang career na tinahak at patuloy ang positibong naidulot nito sa kanila.


Photo courtesy: Eliza Pineda | Instagram

Isa sa mga iyon ay si Eliza Pineda o Maria Eliza Pineda Bautista sa totoong buhay na isa sa mga naging child star noon ng Kapamilya Network na hinahangaan ng karamihan ngayon bilang isang teen star. Si Eliza ay isa sa mga naging top child star noong 2000’s na nasama sa mga iilang TV series na pumatok noon.


Photo courtesy: Eliza Pineda | Instagram

Napasama si Eliza sa mga TV series na “Maria Flordeluna, action series na “Kung Fu Kids” at ang reality gag show na “Goin Bulilit” na kung saan dito nakilala ang galling at pagkabibo noon ni Eliza bilang isang child star.


Photo courtesy: Eliza Pineda | Instagram

Matapos ipakita ni Eliza ang kanyang talento sa Kapamilya Network noon sa pagiging childstar sa Star Magic Talent, ang kanyang talento at mga nakuha na training sa Kapamilya Network, ang 24 taong gulang na si Eliza ngayon ay nakakontrata at nabibilang na isa sa mga Kapuso artists.


Photo courtesy: Eliza Pineda | Instagram

Lumalabas-labas na din Eliza sa mga iilang TV guesting at ibang proyekto ng network. Nagsimula si Eliza sa pagkakaroon ng angelic face bilang child star noon, at ngayon halos di na makilala ang kinikilalang childstar noon dahil sa iginanda nito bilang ganap na dalaga.


Photo courtesy: Eliza Pineda | Instagram

Sa katunayan, ayon sa isang ulat, mula sa isang online entertainment, si Eliza ngayon ay gumagawa ng mga photoshoots para sa men’s magazine. Sa naging desisyon ni Eliza, nakikita niya naman na hindi magiging hadlang ang pamilya niya, na kung saan ang kanyang mom pa nga ay naging suportado sa lahat ng naging desisyon niya.


Photo courtesy: Eliza Pineda | Instagram

Bagaman hindi pa masyado lumalabas sa TV at mga pelikula si Eliza ngayon kumpara sa mga nasamahan nyang mga shows sa kabilang network noon, hindi iyon naging hadlang sa kanya para makakuha pa ng mas maraming followers sa social media.


Photo courtesy: Eliza Pineda | Instagram

Halos meron na siyang 161,000 followers ngayon sa Instagram. Sa kanyang account, nagpost si Eliza ng isang litrato na kung saan pinapakita niya roon ang kanyang naging pagbabago bilang child star noon at isang magandang dalagita ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.