Tunay nga na kay bilis ng panahon at hindi natin namamalayan na ang mga bata o anak natin ay nagdadalaga at nagbibinata na. Ang mga ito ay maraming nais tuklasin sa buhay na tanging gabay lamang ang kanilang kinakailangan upang sila’y hindi maligaw ng landas.
Photo Courtesy: Timothy Chan/FB
Tulad na lamang ni Timothy Chan na dating Goin’ Bulilit child star na umusbong sa pagiging isang good-looking na binata. Ang dati-rating napakacute na batang paslit ay isa na ngayong napakagwapong lalaki na talagang gumulat sa marami nang makita ang kanyang kasalukuyang hitsura.
Photo Courtesy: Timothy Chan/FB
Ito ay kumuha ng atensyon ng mga tao sa online world dahil sa kanyang napakalaking pagbabago. Ang kanyang mukha at pangangatawan ay napakalaki ng pinagbago mula sa isang nakakatuwang bata at ngayon ay marami na ang mas humahanga.
Photo Courtesy: Timothy Chan/FB
Mahigit sampung taon na ang lumipas nang umere ang pinakaunang serye ng “MAY BUKAS PA” sa telebisyon at dito gumanap si Timothy bilang Rico na sa una ng palabas ay kaaway ni Santino o Zaijan Jaranilla sa totoong buhay at noong kinalaunan ay naging magkaibigan rin sila.
Photo Courtesy: Timothy Chan/IG
Ang mga litrato na kanyang pinopost sa kanyang IG account ay isang patunay lamang na talagang napakapoging bata na ito at hindi maiwas ang mata ng mga netizens na hindi silipin ang iba pa nitong litrato.
Photo Courtesy: Timothy Chan/IG
Si Timothy Chan ang isa sa mga patunay na talagang ang panahon ngayon ay napakabilis at lahat tayo ay unti-unti nang tumatanda, marami ang nagbabago ang hitsura, nagbabago ang pananaw, mayroon nang sumakabilang-buhay kung kaya’t mas mainam na mamuhay tayo ng positibo at payapa.
Photo Courtesy: Timothy Chan/IG
Photo Courtesy: Timothy Chan/IG
Nakakamangha na nakakakita tayo ng kasalukuyang buhay ng ating mga iniidolo dati na biglang nagpahinga sa show business at ngayo’y bigla tayong gugulatin sa kanilang napakalaking pagbabago sa kanilang pisikal na anyo o panibagong buhay.
Photo Courtesy: Timothy Chan/IG
Kung kaya’t mas mainam pa rin na gawin lamang natin silang inspirasyon o libangan at tayo ay mamuhay ng ating sariling pamumuhay at huwag na huwag ikukumpara ang ating mga sarili sa iba.