Kilalanin si Tanya Sabel Ramos, ang napakagandang babaeng anak ng aktor na si Wendell Ramos

Araw-araw ay may bago tayong nakikilala na mga anak ng ating mga paboritong artista. Lahat ng mga ito ay ating ikinagugulat dahil sa sobrang ganda at gwapo ng mga ito. Dito natin mapapagtanto na sa kabila ng kanilang galing sa pag-arte at yaman na kanilang taglay ay mayroon silang mas higit pa na yaman na maaari nating matunghayan sa harap ng kamera.


Photo Source: Wendell Ramos | Instagram

Tayo namang mga netizens ay hindi makapaghintay na makita ang mga anak ng ating mga paboritong aktor at aktres na gumanap sa isang proyekto sa telebisyon. Tulad na lamang ng anak ng isa sa mga sikat na aktor na si Wendell Ramos.


Photo Source: Wendell Ramos | Instagram

Kilala natin si Wendell Ramos bilang isang matipono, gwapo at magaling umarte. Hindi din natin siya malilimutan nang maging bahagi siya ng isang comedy show na pinamagatang Bubble Gang. Ang aktor na ito ay maaari mo ilagay sa iba’t ibang role maging ito man ay drama, aksyon o comedy at siguradong hindi ka niya bibiguin dahil sa kanyang angking galing.


Photo Source: Tanya Sabel Ramos | Instagram


Photo Source: Tanya Sabel Ramos | Instagram

Si Wendell ay may tatlong anak at ito ay sina Wendell Savior, Dedell Savior at ang pinagkakaguluhan ngayon na si Tanya Ramos. Siya ang napakagandang anak ni Wendell Ramos na ipinanganak noong Disyembre taon 2006. Kitang kita kay Tanya ang ganda na kanyang minana sa kanyang mga magulang. Dahil siya ay nag-iisang anak na babae ng aktor kung kaya ang turing sa kanya ay isang prinsesa. Tawag umano ni Wendell sa kanyang anak na babae ay “Love of my life” na nagpapahiwatig lamang na espesyal ito para sa kaniya.


Photo Source: Tanya Sabel Ramos | Instagram


Photo Source: Tanya Sabel Ramos | Instagram

Sa dami ng mga larawan na ating makikita sa social media ay kapansin-pansin kung gaano kalapit si Tanya sa kanyang ama na si Wendell. Kasalukuyang nakafocus sa pag-aaral ang napakagandang si Tanya. Atin lamang antabayanan sa mga sususnod na taon kung sakaling sumunod si Tanya sa yapak ng kanyang ama sa mundo ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *