Ikinasal na ang matagal nang magkasintahan na celebrity couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana

Isa sa pinakaespesyal na kaganapan sa bawat tao ay ang makipag-isang dibdib sa nag-iisang tao na mamahalin at makakasama mo sa hirap at ginahawa panghabambuhay. Ang pagpapakasal ay isang pangako na dapat susuungin mo lamang kung ikaw talaga ay sigurado at buong puso na tinatanggap ang iyong magiging kabiyak.


Photo courtesy: Patdy11 | Instagram

Photo courtesy: Patdy11 | Instagram

Ito ay isang pangako ng pagmamahalan sa iyong kabiyak at sa ating Panginoon na hinding-hindi matitibag kung tunay at wagas ang inyong intensyon sa isa’t-isa. Napakarami ngayon sa industriya ng pag-aartista na ang ilan sa kanila’y bumuo na ng sariling pamilya at namuhay na ng matiwasay kasama ang kani-kanilang asawa.


Photo courtesy: Patdy11 | Instagram

Isa na nga rito ay ang celebrity couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, isa sa labis na sinusubaybayan ng mga tagahanga dahil sa kanilang napakagandang kombinasyon bilang magpartner.


Photo courtesy: Patdy11 | Instagram

Ang matagal nang magkasintahan ay tinuldukan na ang kanilang pagiging magnobyo’t nobya at ginawa na nila itong Mr. and Mrs. Maraming mga netizen ang labis na ikinatuwa ang naging balitang ito dahil simula noong una pa lamang ay sinusubaybayan na nila ang pagmamahalan ng dalawang ito.


Photo courtesy: Patdy11 | Instagram

Nito lamang Sabado, October 23, 2021 ay nagpalitan ng “I Dos” sina Tom Rodriguez at Carla Abellana na agad-agad naman kumalat ang mga nag-gagandahang mga litrato sa naturang kasal.


Photo courtesy: Patdy11 | Instagram


Photo courtesy: Patdy11 | Instagram

Ating makikita sa mga litrato ang natural at ubod na ganda na hitsura ng aktres na si Carla Abellana habang siya ay naglalakad patungo sa altar habang ang kaniyang asawa naman na si Tom Rodriguez ay makikita ang ubod nang aliwalas at kagwapuhan nito habang naghihintay sa kaniyang asawa na maabot ang altar.


Photo courtesy: Nelwin Uy Photography | Instagram

Nitong nakaraang Miyerkules nga lamang ay nagbahagi ng ilang mga litrato ang mag-asawa sa naturang prenuptial shoot na kanilang isinagawa bago mangyari ang kasalan na nagpapahiwatig na pala na nalalapit na ang petsa ng kanilang kasal.


Photo courtesy: Nelwin Uy Photography | Instagram


Photo courtesy: Nelwin Uy Photography | Instagram

Ang mag-asawang ito ay napakatagal nang magkasintahan bago pa man sila ikasal at ito nga ay nagsimula pa mula noong 2014. Tunay ngang nakakatuwa na makakita ng mga ganitong klase ng balita tungkol sa ating mga iniidolong artista sa kadahilanang nakikita natin ang pag-usad ng kanilang buhay at relasyon na nagsisilbing inspirasyon para sa marami sa atin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.