Ito ang napakagandang Condominium Unit ng pamilya Kramer na kanilang itinuturing na pangalawang tahanan

Sa buhay ng tao lalo na sa isang pamilya mahalaga ang pagkakaroon ng sarili nating mga tahanan. Upang magkaroon tayo ng kaniya-kaniya nating pribadong pamumuhay at upang makagalaw tayo ng malaya. At kung mayroon ka namang kakayahan na maipagawa ang sarili mong dream house, mas mainam kung ito’y iyong unti-unting pag-ipunan at simulan.

Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram


Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram

Tulad nalang nga ng pamilyang Kramer kung saan ay hindi lamang dream house ang mayroon sila kung hindi pati na rin Condo ay kanilang nakamit. Ang haligi ng tahanan ng pamilyang Kramer na si Doug Kramer na isang batikang basketball player sa ating bansa. Ang ilaw naman ng kanilang tahanan ay isang dating aktres na si Cheska Garcia. At dahil sa kanilang sipag at pagsasakripisyo ay nakamit nila kung ano ang mayroon sila ngayon.


Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram


Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram

Kamakailan lang nga ay ibinahagi ng mag-asawang Kramer ang kanilang ginawang pagpapaganda sa kanilang Condo Unit. Base sa kanilang naging post nilagyan ito ni Doug Kramer ng maikling caption na “Transformation Thursday! Our home condo!”.


Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram

Ayon din kay Doug Kramer na may pagkakatulad daw ito sa kanilang orihinal na tahanan. Dagdag niya pa na ito raw ay bunga ng kanilang investments, pagtatrabaho, at sakripisyo. Nabili raw ng mag-asawang Kramer ang nasabing Condo taong 2014 at nakaraang taon 2020 lamang ito opisyal na naibigay sa kanila.


Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram

Hindi naman nagdalawang isip si Doug Kramer upang ito ay ibahagi at ipasilip sa tagahanga ng kanilang pamilya. Sabi pa niya na karamihan daw ay humihingi sa kanila ng payo at kadalasan na kanilang isinasagot ay sakripisyo.


Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram

Sakripisyo ang isa sa kanilang mga naging puhunan upang makamit nila ang mga bagay na mayroon sila ngayon. Ayon pa kay Doug Kramer na alam nila na hindi magiging madali ang lahat para sa kanila noong bagong kasal pa lamang nila.


Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram

Ngunit dahil sila ay may kaniya-kaniya pang karera noon tulad nang siya ay nasa pag-babasketball, si Cheska naman ay nasa mundo ng show business at ginamit nila ito upang magsimula at mag-invest. Inuna raw nila ang kanilang mga pangangailangan kaysa sa kanilang mga luho. Makalipas nga ang ilang taon ay nakamit nila kung ano ang mayroon sila ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *