Masayang ipinagdiwang ni Janella Salvador ang unang kaarawan ng kaniyang anak na si Baby Jude

Unang anak, unang kaarawan, talaga nga namang napakaimportante ng okasyon na ito para sa ating mga magulang. Kaya kung maaari ay ginagawa natin ang lahat upang ito ay ating maipagdiwang ng maayos.

Photo Courtesy: Janella Salvador | Instagram

Marami-rami na rin tayong natunghayan at nasaksihan na nagdiwang ng kanilang unang kaarawan. Kapatid man, anak ng kaibigan, anak ng kapitbahay, kamag-anak, o kahit ang anak ng ating mga iniidolo ay talagang nasaksihan natin kung papaano nila ito pinaghandaan.


Photo Courtesy: Janella Salvador | Instagram

Tulad nalang nga ng magkasintahan na sina Janella Salvador at Markus Paterson kung saan ay ipinagdiwang nila ang unang kaarawan ng kanilang unang anak na si baby Jude. Hindi naman sila nag-atubili na ito ay ibahagi sa kanilang social media account.


Photo Courtesy: Janella Salvador | Instagram


Photo Courtesy: Janella Salvador | Instagram

Ang naging tema naman ng naging party ni baby Jude ay hango sa isang palabas na “Baby Boss” na masasabi mong bagay na bagay kay baby Jude. At dahil naman sa pandemya ay ipinagdiwang nila ito sa kanilang bahay.


Photo Courtesy: Janella Salvador | Instagram


Photo Courtesy: Janella Salvador | Instagram

Kung makikita mo naman sa ipinost na litrato ng magkasintahan ay makikita rito ang kulay pilak, itim, at ginto na bagay na bagay sa isang batang lalaki. Suot naman ni baby Jude ay ang kaniyang napa-cute na itim na toxido, bagay na bagay sa suot ng kaniyang magulang na itim na dress para kay Janella Salvador at itim na coat para kay Markus Paterson.


Photo Courtesy: Janella Salvador | Instagram


Photo Courtesy: Janella Salvador | Instagram

Karamihan din sa kanilang mga bisita ay nag-suot ng itim na kasuotan para sa kaarawan. Ayon din kay Janella Salvador na ang paghahanda at pagpaplano para magiging kaarawan ng kanilang anak ay hindi naging madali ngayong panahon ng pandemya. Ngunit para sa kanilang mag-iisang taon na anak ay ginawa nila ang lahat.


Photo Courtesy: Janella Salvador | Instagram


Photo Courtesy: Janella Salvador | Instagram

Dagdag niya rin na naging mahirap lalo na kapag kukuhanan sila ng litrato sapagkat magalaw at panay iyak ng kanilang baby Jude. Nagpapasalamat din sila sa kanilang mga naging bisita na mga kapamilya at malalapit na kaigibigan upang maipagdiwang ang kaarawan ni baby Jude.

Leave a Reply

Your email address will not be published.