Nagdiwang ng 1st Birthday ang miracle baby ni Assunta De Rossi na si Baby Fiore

Isa sa pinakamabigat na pagsubok na mapagdadaanan ng mga magulang ay ang pagkakaroon ng anak. Hindi dahil ayaw nila o ng isa sa kanila, kundi dahil mayroong problema sa kanilang mga kalusugan. Kahit gaano pa man nila gusto magkaroon ng anak ay hindi ito basta-basta dahil sa kanilang sitwasyon.


Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram


Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram

Ito ay kadalasan na nangyayari sa mga kababaihan kung saan ay nagkakaroon ng problema sa kanilang mga obaryo upang makabuo sila ng supling. Ito naman ay puwedeng maranasan ng kung sino man sa atin. Sa katunayan nga ay ilan sa ating mga iniidolo sa show business ay nakaranas ng ganitong pagsubok.


Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram

Tulad nalang nga ng batikang aktres na si Assunta de Rossi kung saan nakaraang taon lamang ipinanganak ang kaniyang tinawag na “miracle baby”. At ngayon nga ay nagdiriwang ng kaniyang unang kaarawan.


Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram

Kamakailan nga ay ibinahagi ng aktres na si Assunta de Rossi ang kaarawan ng kaniyang unica iha na si Fiore. Anak nila ito ng kaniyang asawa na si Jules Ledesma kung saan ay matagal nilang hinintay na dumating sa kanilang buhay. Ayon pa sa kaniya na umabot ng 19 taon ang kanilang paghihintay upang magkaroon ng anak.


Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram


Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram

Kung makikita sa Instagram account ng aktres na si Asunta de Rossi ay nagbahagi siya ng litrato ng kaniyang napacute na baby. Kalakip naman nito ng isang makahulugang mensahe para sa kaniyang anak. Ayon sa kaniya na araw-araw ay nagpapasalamat sila sa diyos dahil dumating siya sa kanilang buhay. “Happy Birthday, little miracle” panapos niyang mensahe.


Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram

Hindi naman nagpahuli ang kaniyang kapatid na si Alessandra de Rossi at nagbigay din ng pagbati sa kaniyang pamangkin. Ayon sa mensahe ni Alessandra ay “Aaaah! Isang taon na ang himalaaaa! Happy birthday floringkingking!” kung saan ay kinagiliwan ng netizens.


Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram

Ibinahagi rin ni Assunta de Rossi ang kanilang pinagdaanan habang nagbubuntis. Sabi pa niya na sa dalawang dekada nilang paghihintay ay isang himala ang pangyayari na siya ay nagbuntis sa kanilang unang anak. Sinabi niya rin na nangyari ito sa hindi inaasahang pagkakataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *