Bumili si Richard Gutierrez ng mamahaling SUV Car na kaniyang regalo para sa asawang si Sarah Lahbati

Normal lang sa isang relasyon ang nagbibigayan ng kung ano-ano. Lalo na kapag bago pa lamang kayo sa isang relasyon ay talaga namang halos buwan-buwan ay makakatanggap ka ng regalo sa iyong kasintahan. Madalas ito mangyari kapag kayo ay mag nobyo at nobya pa lamang.


Photo Courtesy: Sarah Lahbati | Instagram

Ang pagbibigay ng isang regalo ay normal lang lalo na sa ating mga Pilipino. Kahit na sino ay puwede itong gawin normal na tao man o may personalidad sa showbiz, mayaman man o mahirap. At siyempre bihira itong mangyari kapag kayo ay mag-asawa na. Sapagkat karamihan sa atin ay inuuna ang mga mas importanteng pangangailangan ng ating pamilya.


Photo Courtesy: Sarah Lahbati | Instagram


Photo Courtesy: Richard Gutierrez | Instagram

Ibahin niyo ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil kamakailan lang ay nagbigay ng kaniyang regalo si Richard para sa kaniyang asawa. Hindi lamang ito basta-basta regalo sapagkat ito ay isang mamahaling sasakyan.


Photo Courtesy: Sarah Lahbati | Instagram


Photo Courtesy: Richard Gutierrez | Instagram

Nakatanggap lang naman si Sarah Lahbati ng isang mamahaling SUV at agad niya naman itong ibinahagi sa kaniyang Instagram account. Nagkaroon naman ito ng samutsaring reaksyon at komento at talagang napahanga ang mga netizens sa naging regalo sa kaniya ni Richard.


Photo Courtesy: Richard Gutierrez | Instagram

Kalakip ng kaniyang naging post ang maikling mensahe na nagsasabing hindi raw siya yong taong materialistic ngunit kapag mayroon ay kaniya itong pinapahalagahan. “@richardgutz I’m speechless” panapos ng kaniyang mensahe.


Photo Courtesy: Richard Gutierrez | Instagram

Ayon pa kay Sarah Lahbati na bukod sa pagiging mabuting ama ni Richard para sa kanilang mga anak na sina Zion at Kai ay hindi ito nakakalimot na iparamdam sa kaniya ang pagiging reyna. Nagpapasalamat naman si Sarah sa lahat ng bagay na ginawa ni Richard para sa kaniya at sa mamahaling sasakyan na ibinigay sa kaniya nito kamakailan lang, lalo na sa pagmamahal na ibinibigay sa kaniya ng asawa.


Photo Courtesy: Richard Gutierrez | Instagram

Kung maalala nga natin ay itong buwan ipinagdiwang ni Sarah ang kaniyang kaarawan. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pagcamping sa Tanay, Rizal.

Leave a Reply

Your email address will not be published.