Ipinagdiwang ng magkasintahang Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang ika-tatlong anibersaryo ng pag-iibigan

Sabi nga nila ang sarap umibig lalo na kung alam niyong tunay ang inyong nararamdama. Kung saan masasabi nating totoo nga naman kung ito ay naranasan niyo na. Kahit sino sa atin ay puwedeng maranasan ang magmahal at umibig. Mapakapit-bahay niyo man, kamag-anak, at mismong ating iniidolo sa mundo ng show business ay talagang makakaranas nito.


Photo Courtesy: Vice Ganda|Instagram

Ang pag-ibig ay walang sukatan o basehan. Mahirap ka man o mayaman ay hindi masusukat ng pera ang inyong pagmamahalan. Mas matanda man siya sayo ay ayos lang, may kasabihan nga tayo na “Age is just a number”.


Photo Courtesy: Vice Ganda|Instagram


Photo Courtesy: Vice Ganda|Instagram

Simpleng tao ka man o may personalidad sa mundo ng showbiz ay talagang pupuwede kayong magmahalan. At higit sa lahat kahit anuman ang iyong kasarian ay hindi ito hadlang para maging tunay ang iyong mararamdaman sa isang tao.


Photo Courtesy: Vice Ganda|Instagram


Photo Courtesy: Vice Ganda|Instagram

Tulad nalang nga ng magkasintahan na si Vice Ganda at kaniyang nobyo na si Ion Perez na dahil sa kanilang kasarian ay binato ng samutsaring batikos galing sa madla. Ngunit ginawa nila itong inspirasyon upang mas pagtibayin ang kanilang nararamdaman para sa isa’t isa.


Photo Courtesy: Vice Ganda|Instagram

Kamakailan lang nga ibinahagi ng sikat na komedyante at host na si Vice Ganda ang kanilang ika-3 anibersaryo bilang magkasintahan. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpost ng ilang litrato nilang magkasama ng kaniyan nobyo na si Ion Perez.


Photo Courtesy: Vice Ganda|Instagram

Kalakip ng kaniyang naging post ang isang napakatamis na mensahe na nagsasabing 3 taon na silang nagmamahalan at hindi iniisip at binibigyang pansin ang mga bumabatikos at nanghuhusga sa kanilang pag-iibigan. 3 taon na silang masaya at nagmamahalan. “I love you Noy! And I love winning in life with you” panapos na mensahe ni Vice Ganda.


Photo Courtesy: Vice Ganda|Instagram

Kung maalala natin ay nagsimula ang kanilang pagkakaibigan sa noontime show ng kapamilya channel na “showtime” kung saan host si Vice Ganda at Kuya Escort naman ang naging role ni Ion Perez. Hanggang sa nagkamabutihan at humantong sa pag-iibigan. Buwan ng Oktobre taong 2019 ng kanilang ibunyag ang kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.