Masayang ibinahagi ni Jomari Yllana na maligaya na siya sa piling ng dati niyang nobya na si Abby Viduya

Sa mundo ng showbiz lalo na noong panahon ng 90’s talagang uso ‘yong mga tambalan ng mga dalaga at binatang aktor at aktres. Magandang halimbawa nito ay ang mga tambalang tunay na nagpakilig at hinangaan natin noon na sina Marvin Agustin at Jolina, Rico at Claudine Barretto, at madaming pang iba.

Photo Courtesy: Jomari Yllana | Facebook

Sa mga panahong ito kuhang-kuha nila ang kiliti ng bawat manunuod na para bang hindi ito pag-arte lamang. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung ilan sa mga tambalan na nangyayari sa isang palabas ay nagiging tunay at totoo sa labas ng telebisyon.


Photo Courtesy: Jomari Yllana | Facebook


Photo Courtesy: Jomari Yllana | Facebook

Tulad nalang nga ng magkarelasyon na Jomari Yllana at Abby Viduya o mas kilala bilang Priscilla Almeda sa mundo ng show business. Kung ating maaalala ay isa sila sa nagkaroon ng tambalan ng kasagsagan ng kanilang karera at nagkaroon pa nga ng totoong relasyon sa labas ng telebisyon.


Photo Courtesy: Jomari Yllana | Facebook


Photo Courtesy: Jomari Yllana | Facebook

Ngunit sa kasamang palad nga ay hindi sila nagkatuluyan noon at nagkaroon ng kaniya-kaniyang buhay. Pero ngayon ay para bang sinadya ng tadhana na muling mag-krus ang kanilang landas at kumpirmado nga ang kanilang pagbabalikan.


Photo Courtesy: Jomari Yllana | Facebook

Ayon pa kay Jomari na para sa kaniya ay si Abby na ang huling babae sa buhay niya. Sinabi niya rin na ang kanilang relasyon noon ay espesyal sapagkat first boyfriend and first girlfriend sila noon. Dagdag pa ni Jomari na maganda ang pagkakataon na muli silang nagkita sapagkat parehas na silang matured dahil sa dami ng kanilang pinagdaanan.


Photo Courtesy: Jomari Yllana | Facebook

Sabi naman ni Jomari na hindi niya naisip na magkakabalikan muli sila ni Abby sa dami ng nangyari sa kanilang buhay. Sinabi rin niya na social media ang isa sa naging daan kung papaano sila nagkabalikan. Nagkaroon daw sila ng komunikasyon noong taong 2015 at sa mga panahong iyon ay sila ang magkaibigan pa lamang. Hanggang sa nagdesisyon sila na subukang muli ang kanilang naudlot na pag-iibigan.


Photo Courtesy: Jomari Yllana | Facebook

Para sa kaalaman ng karamihan si Jomari Yllana ngayon ay isang konsehal sa Paranaque. Masasabi mo rin na naging matagumpay ang kaniyang pagpalit ng karera sapagkat ito ang kaniyang ikawalang termino sa pulitika.

Leave a Reply

Your email address will not be published.