Sinurpresa ni Loisa Andalio ang kaniyang nobyo na si Ronnie Alonte sa kaarawan nito

Sa panahon ngayon uso na ‘yong pagbibigay natin ng surpresa para sa ating minamahal. Lalong lalo na sa mga okasyon na mayroon tayo. Tulad nalang nga ng pagdiriwang ng ating kaarawan.
Kung ating maitatanong sa ating mga nakakatanda ay noong panahon nila ay hindi uso ang pagbibigay ng surpresa para sa isang okasyon. Dahil nga sa lumilipas ang panahon ay nag-iiba rin ang pag-iisip at gawain ng mga tao kaya ay nauso ang ganitong gawain.


Image courtesy: Loisa Andalio | Instagram


Image courtesy: Loisa Andalio | Instagram

Ito ay madalas na nangyayare sa isang relasyon o magkasintahan. Tulad nalang nga ng magkasintahan na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio. Kamakailan lang nga ay nagdiwang ng kaniyang ika-25 taong kaarawan ang sikat at napakaguwapong si Ronnie Alonte.


Image courtesy: Loisa Andalio | Instagram


Image courtesy: Loisa Andalio | Instagram

Hindi naman ito ipinalampas ng kaniyang kasintahan na si Loisa Andalio at nagbigay ito ng isang surpresa para sa kaarawan ng kaniyang nobyo. Ibinahagi niya ang kaganapang ito sa pamamagitan ng pagpost ng mga litrato sa kaniyang Instagram account.


Image courtesy: Loisa Andalio | Instagram


Image courtesy: Loisa Andalio | Instagram

Kung makikita nga sa kaniyang post ay makikita ang magandang ngiti ni Ronnie Alonte na tila kinikilig sa ginawa ng kaniyang kasintahan at alam mong masayang-masaya ito. Sa nasabing okasyon naman ay hindi mawawala ang kanilang mga kamag-anak, malalapit na kaibigan, at ang mga kagrupo ni Ronnie sa “Hashtag”.


Image courtesy: Loisa Andalio | Instagram


Image courtesy: Ronnie Alonte | Instagram

Kalakip naman ng kaniyang post ang maikiling mensahe. Sinabi ni Loisa na alam niyang hindi gusto ni Ronnie ang ganoon klaseng selebrasyon. Bagamat tinuloy pa rin niya ang pagsurpresa kay Ronnie. Ang surpresa na sinasabi niya rito ay ang party na ginanap nila noong araw ng kaniyang kaarawan.


Image courtesy: Ronnie Alonte | Instagram


Image courtesy: Ronnie Alonte | Instagram

Kung makikita rin sa mga litrato na ipinost ni Loisa Andalio ay makikita mong talagang nag-enjoy sila sa kanilang pagdiriwang. Makikita mo rin na kaswal ang kasuotan ng karamihan. Simple lang pero masasabi mong napakaganda ng kanilang naging selebrasyon. Sa susunod na buwan ipagdiriwang ng dalawa ang kanilang ika-5 anibersaryo bilang magkasintahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.