Ibinahagi ng magkasintahang Dennis at Jennylyn na sila ay opisyal nang Engaged at nalalapit na ang kasal

Kahit gaano pa kayo katagal ng iyong kinakasama o kasintahan, magkaroon man kayo ng anak. Sa simbahan pa rin ang magiging hantungan ng inyong relasyon. Ito ‘yong sinasabi nilang “Happy ever after” na madalas din natin marinig sa isang fairy tale.

Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram

Katulad nalang nga ng magkasintahan na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay ginulat at pinakilig ang kanilang mga tagahanga sa ginawang proposal ng aktor na si Dennis Trillo. Hindi naman nagdalawang isip ang aktor na ibihagi ito sa publiko.


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram

Ayon sa aktor na simple lang daw ang nangyaring proposal sapagkat sa panahon daw ngayon ay kailangan maging praktikal. Simple man daw ito ngunit ito ay taos pusong niyang ginawa para sa kaniyang minamahal na si Jennylyn.


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram

Sa kaniyang kuwarto raw naglalagi si Jennylyn, ngunit nang ginawa niya ang proposal ay pibaba niya raw ito para kunwari ay mayroon silang isho-shoot na video. Sabi naman ni Jennylyn na wala raw siyang kaalam-alam sapagkat hindi raw siya madalas na bumababa sa 1st floor ng kanilang bahay.


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram

Samantala noong sandali raw na iyon ay sinabi sa kaniya ni Dennis na kailangan niya bumaba para sa kanilang gagawin na video. Nagkaroon naman daw nag kutob si Jennylyn sapagkat tila naging seryoso magsalita ang kaniyang nobyo na si Dennis at seryoso siyang kinakausap nito.


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram

Hanggang sa bigla na nga raw lumuhod si Dennis at bigla nalang nagbukas ang mga pinto hudyat para sa naging proposal ni Dennis Trillo. Hindi naman nagdalawang isip ang aktres at sinagot ng napakatamis na “Oo” ang aktor na si Dennis Trillo.


Photo Courtesy: Dennis Trillo | Instagram


Photo Courtesy: Dennis Trillo | Instagram

Bukod sa pagiging engaged ng dalawa ay mayroon pa silang magandang ibinalita sa publiko. Ito ay ang nalalapit na rin nilang pagkakaroon ng baby. Ibinahagi nila na si Jennylyn ay 9 na linggo na nagdadalang tao. Sinabi rin ng aktor na ginawa niyang sa bahay lamang ang naging proposal dahil sa maraming dahilan at isa na nga rito ay ang pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.