Ibinahagi ni Bianca Gonzales ang ika-anim na pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang anak sa isang mala-paraisong beach

Isa sa pinakamasarap na pakiramdam na maaaring maramdaman ng isang magulang ay ang magkasamang makita ang kaniyang anak na lumalaki. ‘Yong klase ng pakiramdam na simula’t sapul sa pagkabata ay nasubaybayan at naalagaan mo ang iyong anak.


Photo Courtesy: Bianca Gonzales | Instagram

Hindi mawawala diyan ang mga sandali na lagi kang handang umagapay sa iyong anak sa lahat ng bagay, problema man yan at higit sa lahat sa mga masasayang sandali sa kaniyang buhay. Isa nga rito ay ang pagdiriwang ng kaarawan ng ating mga anak na siguradong maaalala nila hanggang sa kanilang pagtanda.


Photo Courtesy: Bianca Gonzales | Instagram

Tulad nalang nga ng anak ng batikang host ng kapamilya channel na si Bianca Gonzales kung saan ay nagdiwang ang kaniyang anak na si Lucia ng kaniyang ika-6 na taong kaarawan. Si Lucia ay anak ni Bianca sa basketball player na si JC Intal.


Photo Courtesy: Bianca Gonzales | Instagram


Photo Courtesy: Bianca Gonzales | Instagram

Sa nasabing okasyon nga ay nagbahagi ang host na si Bianca Gonzales ng kaniyang pagbati sa kaniyang anak. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpost ng litrato sa kaniyang Instagram account kung saan makikita ang kanilang mga masasayang sandali sa isang beach.


Photo Courtesy: Bianca Gonzales | Instagram


Photo Courtesy: Bianca Gonzales | Instagram

Kalakip naman ito ng isang espesyal na mensahe para sa kaniyang panganay na anak. Sinabi ng host na si Bianca kung gaano siya kasuwerte sa kaniyang panganay at siya ang ina nito. Inilarawan niya rin si Lucia bilang isang mapagmahal na anak, responsable, at isang masunurin na bata. Sinabi niya rin na isang beach lover ang kaniyang anak na si Lucia.


Photo Courtesy: Bianca Gonzales | Instagram


Photo Courtesy: Bianca Gonzales | Instagram

Si Bianca Gonzales ay sikat na host ng isang programa sa kapamilya network na PBB. Ang kaniyang asawa naman ay si JC Intal na sumikat naman sa larangan ng sports na basketball sa ating bansa. Sila ay ikinasal noong taong 2014 at nagkaroon na ngayon ng dalawang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.