Nagdiwang ng ika-labing pitong kaarawan ang dalagang anak ni Valerie Concepcion

Ang papel ng isang pagiging magulang ay hindi basta-basta. Hindi biro ang mga responsibilidad na iyong hinahawakan kapag ito ay iyong nakamit na, kung kaya dapat mo itong pinag-iisipang mabuti bago pasukin ang ganitong sitwasyon sa iyong buhay.

Photo Courtesy: Valerie Concepcion | Instagram

Kaya marapat lang na pasalamatan natin ang lahat ng ating mga magulang sa sakripisyo na kanilang ibinigay para sa atin. Ang pagiging magulang ay binubuo ng dalawang bahagi, nandiyan ang iyong ama bilang inyong haligi ng tahanan at nariyan naman ang ina upang maging ilaw ng tahanan.


Photo Courtesy: Valerie Concepcion | Instagram

Ngunit papaano naman kung isa sa dalawang bahagi nito ay hindi nagampanan ang kaniyang tungkulin bilang isang magulang? Tulad nalang nga ng aktres na si Valerie Concepcion sa kaniyang anak na si Heather kung saan ay itinaguyod niyang mag-isa at walang tulong mula sa ama nito.


Photo Courtesy: Valerie Concepcion | Instagram

Kamakailan lang nga ay ibinahagi ng aktres ang naging kaarawan ng kaniyang nagdadalagang anak na babae. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpost ng litrato ng kanilang naging pagdiriwang para sa okasyon.


Photo Courtesy: Valerie Concepcion | Instagram

Kalakip naman nito ng isang maikling caption para sa kaniyang anak na nagsasabing “Bago matapos ang araw na ito, gusto ko lang batiin ang aking mapagmahal na anak ng Happy 17th Birthday”.


Photo Courtesy: Valerie Concepcion | Instagram

Dagdag din ng aktres na lagi raw siyang handang umagapay sa kaniyang anak at mahal na mahal niya ito. Panapos niyang mensahe na kahit gaano pa raw katanda ang abutin ng dalaga ay hinding hindi magsasawa si Valerie na mahalin siya bilang kaniyang baby girl.


Photo Courtesy: Valerie Concepcion | Instagram

Kung maalala nga natin sa isang panayam kay Valerie ay naging emosyonal siya nang mapag-usapan kung paano niya pinalaking mag-isa ang kaniyang anak. Sinabi pa niya sobra raw siyang nagpapasalamat sa Diyos na kahit sa edad ng dalaga ay hindi pa raw nito nakikilala at nakita ang ama sa personal. Dagdag din ng aktres na malaking bagay daw ang pagiging bukas ng dalaga sa kaniya.


Photo Courtesy: Valerie Concepcion | Instagram

Masasabi talaga nating mahirap ang ginagampanang responsibilidad ng ating mga magulang lalo na iyong mga magulang na mag-isang tinataguyod ang kanilang mga anak. Napahanga naman ang mga netizens sa pagiging matatag na ina ni Valerie Concepcion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *