Ito ang napakagandang Family Beach House Resort na pagmamay-ari ng buong pamilya ni Joross Gamboa

Bawat isa sa atin ay may pinapangarap na layunin na balang araw ay gusto nating matupad. Gaano man ito kahirap, gaano man ito kalayo ay sigurado na atin itong pagsusumikapan upang ating makamit.

Photo Courtesy: Joross Gamboa | Instagram

Karamihan sa atin ay pinangarap na magkaroon ng sariling bahay bakasyunan. ‘Yong tipong sarili nating bakuran na mayroon komportableng bahay at maaliwalas na kapaligiran. Tulad nalang nga ng isang bakasyunan na malapit sa dalampasigan o isang Beach Resort.


Photo Courtesy: Joross Gamboa | Instagram

Isa nga sa pinapangarap lang ito noon ay ang batikang aktor na si Joross Gamboa na ngayon ay naisakatuparan na ang isa sa kaniyang matagal na minimithi. Masaya niyang ibinahagi at ipinakita ang kanilang bahay bakasyunan sa probinsya ng Sariaya, Quezon.


Photo Courtesy: Joross Gamboa | Instagram

Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpost ng litrato sa kaniyang Instagram account kung saan ay makikita ang lawak ng kanilang bahay bakasyunan. Ipinadama niya naman kung gaano siya nagpapasalamat sa kaniyang mga naisakatuparan na pangarap.


Photo Courtesy: Joross Gamboa | Instagram

Nagpapasalamat siya sa panginoon para sa biyayang kaniyang natatanggap. Nagpasalamat din ang aktor sa lahat ng tumulong sa kaniya at sa lahat ng kaniyang kapamilya. Kung makikita rin sa litrato ay ipinakita niya ang kanilang buong bahay at ang katabi nitong infinity pool na nakaharap sa dalampasigan.


Photo Courtesy: Joross Gamboa | Instagram


Photo Courtesy: Joross Gamboa | Instagram

Naglagay din sila ng mga padulasan para sa mga bata sa kanilang pamilya. Para naman sa mahihilig sa larong basketball na isa rin sa mga hilig ng aktor ay hindi nito nakalimutan na maglagay ng sarili nilang basketball court sa loob ng kanilang bakuran.


Photo Courtesy: Joross Gamboa | Instagram


Photo Courtesy: Joross Gamboa | Instagram

Ipinakita rin ng aktor ang napakagandang design ng loob ng kanilang tahanan. Mula sa sala, hapag-kainan, hanggang sa kusina. Kung makikita rin sa kaniyang post sa kaniyang Instagram account ay makikita na ipinost niya ang litrato ng kaniyang mga anak na nag-eenjoy sa kanilang infinity pool.


Photo Courtesy: Joross Gamboa | Instagram


Photo Courtesy: Joross Gamboa | Instagram

Sipag at tiyaga ang kaniyang naging puhunan para matupad ang kaniyang mga pinapangarap lang noon. Kung maalala nga natin ay hindi lang sa pag-aartista nakalaan ang kaniyang mga oras ngayon kung hindi pati ang pag-stream ng mga laro sa Facebook ay kaniyang pinasok na rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *