Ipinakilala ni McCoy De Leon at Elisse Joson ang kanilang napakagandang anak na si Felize

Hindi madali ang mga pagsubok na mapagdadaanan ng magkarelasyon na parehas na personalidad sa industriya ng showbiz. Dahil nga sila ay sikat at karamihan ng mga mata ay nakatingin sa kanila. Siguradong bawat hakbang at galaw na kanilang gagawin ay siguradong may batikos silang matatanggap.


Photo Courtesy: Elisse Joson | Instagram


Photo Courtesy: Elisse Joson | Instagram

Kaya hindi rin natin masisi kung iyong iba ay nagagawang magtago at maglihim sa publiko ng mga nangyayari sa kanilang personal na buhay. Tulad nalang nga ng magkasintahan na sina Elisse Joson at McCoy de Leon.


Photo Courtesy: Elisse Joson | Instagram


Photo Courtesy: Elisse Joson | Instagram

Kamakailan lang nga ay labis na ikinagulat ng kanilang mga tagahanga at mga netizens ang kanilang ibinunyag na lihim. Ito ay ang kanilang pagkakaroon na ng anak na babae na pinangalanan nilang si Felize McKenzie. Kung maalala nga natin ay nabuo at nagsimula ang kanilang tambalan sa loob ng bahay ni kuya sa kapamilya show na “Pinoy Big Brother”. Nakakatuwang isipin na sa parehong show din nila ihahayag ang kanilang naging lihim.


Photo Courtesy: Elisse Joson | Instagram


Photo Courtesy: Elisse Joson | Instagram

Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pagtanong kay “Big Brother” kung ito ba ay puwede nilang gawing ninong ng kanilang baby girl. Kahit alam naman nila sa sarili nila na hindi nila puwedeng makita si “Big Brother”. Subalit gusto pa rin nila itong gawing ninong ng kanilang anak sapagkat punong-puno ng kaalaman at aral si “Big Brother”.


Photo Courtesy: Elisse Joson | Instagram

Nagpasalamat din ang dalawa at muli silang nakabalik kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at kung saan sila nagkakilala. Sinabi rin nila na malaki ang kanilang utang na loob sa programa at kay “Big Brother”.


Photo Courtesy: Elisse Joson | Instagram

Hindi man nila ibinahagi kung kailan ang eksakto na nagbuntis si Elisse Joson at kung kailan siya nanganak. Masaya naman nila itong ibinalita sa publiko. Masaya rin ang knilang mga taga-hanga at mga kasamahan sa kanilang trabaho at industriya ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published.