Labis na hinangaan ng netizens ang napakagandang litrato ni Marian Rivera na kitang-kita ang napakaputi niyang armpit

Bilang isang personalidad sa industriya ng showbiz at tagapag-tanghal sa telebisyon, mahalaga ang pagpapanatili at pag-aalaga ng ating pisikal na anyo. Sa kadahilanang madalas na ito ang puhunan ng karamihan sa showbiz. Kaya hindi mo rin masisisi na ‘yong iba ay talagang pinagkakagastusan ang kanilang pagpapaganda at pagpapaayos ng kanilang mga sarili. Lalo na sa mga kababaihan sa loob ng industriya na nagiging ilaw ng tahanan at nagkakaroon ng supling.


Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram

Alam naman natin na hindi madali ang pagiging ina at isang magulang. Kaya hindi natin maiiwasan na mapabayaan natin ang ating mga sarili. Ngunit ibahin niyo ang aktres na si Marian Rivera na masasabi mong mala diyosa ang ganda kahit mayroon nang dalawang anak.


Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram


Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram

Kamakailan lang nga ay napahanga ng aktres na si Marian ang mga netizens sa kaniyang ipinost na litrato. Sa edad niyang 37 taong gulang ay hindi maikakaila na hindi nagkupas ang kaniyang natural na ganda.


Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram

Sa nasabi ngang post ay makikita ang napakinis na kutis ng aktres nang magbakasyon sila ng kaniyang pamilya para ipagdiwang ang Halloween. Makikita mo sa litrato na nakasuot ng swimsuit ang aktres na para bang mayroon pictorial sa nasabing lugar. Isa rin sa nagpaganda ng litrato ay ang sinag ng araw sa kaniyang sarili kaya nilagyan niya ito ng caption na “Kissed by the sun”.


Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram

Hindi naman ito nakawala sa kaniyang asawa na unang-unang nagbigay ng komento sa kaniyang litrato. Sabi ni Dingdong Dantes na “Anong kissed by the sun? Ako kaya yun!” na para bang inaasar ang kaniyang misis.


Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram

Hindi lang ang kaniyang asawa ang kaniyang napahanga kung hindi na rin ang mga sikat na personalidad at mga kasamahan nila sa industriya ng showbiz. Ilan nga dito ay sina Gretchen Barretto, Meg Imperial, Jacki Lou Blanco, Bea Alonzo, at madami pang iba na malalaki ang pangalan sa showbiz.


Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram

Ang nasabing post ay naghakot ng samutsaring reaksyon at komento. Sa ngayon nga ay nasa 350 libo na ang nag-like ng kaniyang litrato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *