Ipinagdiwang ni Rachelle Ann Go ang ika-pitong buwan na kaarawan ng kaniyang lalaking anak

Ang sarap lang isipin na ‘yong mga nagpapakilig sa atin gamit ang mga awitin at musika ay nakakamtan na rin ang tunay na kasiyahan at pakiramdam kung papaano ang umibig. ‘Yong mga kumakanta at umaawit para sa ating paboritong telenobela, sa totoong buhay ay nakakaranas din kung papaano magmahal.


Photo Courtesy: Rachelle Ann Go | Instagram

Ganiyan naman talaga dapat diba? Kahit sino ay puwedeng umibig. Kahit ‘yong mga nagbibigay sa atin at lumilikha ng magagandang musika at love songs ay maaari ring makaranas ng pagmamahal sa isang tao.


Photo Courtesy: Rachelle Ann Go | Instagram


Photo Courtesy: Rachelle Ann Go | Instagram

Tulad nalang nga ng batikang mang-aawit na si Rachelle Ann Go. Para sa nakararami isa siya sa pinakamagaling na mang-aawit sa ating bansa. Sa katunayan ay hindi lamang dito sa atin kung hindi pati na rin sa ibang bansa ay nakapagtanghal na si Rachelle.


Photo Courtesy: Rachelle Ann Go | Instagram


Photo Courtesy: Rachelle Ann Go | Instagram

Sa kabilang banda naman, kaniya nang nahanap ang lalaking kaniyang mamahalin at makakasama panghabang-buhay. Ito ay si Martin Spies na isang businessman sa America. Ibang lahi man si Martin ay sigurado naiparamdam niya kung papaano ang tunay na pagmamahal kay Rachelle.


Photo Courtesy: Rachelle Ann Go | Instagram

Nagbunga naman ang kanilang pag-iibigan ng isang anak na lalaki na kamakailan lang ay nagdiwang ng kaniyang ika-7 Buwang gulang. Masayang ipinagmamalaki naman ito ng mag-asawa kung saan ay ibinahagi pa ito ni Rachelle Ann Go sa kaniyang Instagram account.


Photo Courtesy: Rachelle Ann Go | Instagram

Ang nasabing litrato ay litrato nila sa isang dalampasigan at makikita pa ang kalmadong karagatan. Kalakip naman ito ng isang caption na nagsasabing nakakagapang na raw ang kanilang anak, nakaka-upo na ng kaniyang sarili, at nagkaroon na rin daw ito ng maliliit na mga ngipin. Sinabi rin niya na mahilig sa broccoli ang kaniyang anak.


Photo Courtesy: Rachelle Ann Go | Instagram

Kung maalala nga natin ay kamakailan lang ay ipinagdiwang niya Rachelle Ann Go ang kaniyang kauna-unahang kaarawan bilang isang ina. Si Rachelle Ann Go ay nakatira ngayon sa London kung saan kasama ang kaniyang asawa na si Martin Spies. Ikinasal sila noong buwan ng Abril taong 2018.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *