Masayang ibinahagi ni Wendell Ramos na mayroon na muli silang baby ng kaniyang asawa

Isa sa pinakamasayang pangyayari sa magulang lalo na para sa isang haligi ng tahanan ang malalaman niyang magkakaroon ulit siya ng panibagong supling. Walang katumbas ang pananabik lalo na kapag malapit mo na itong makita at mahagkan.

Photo Courtesy: Wendell Ramos | Instagram

Tulad nalang nga ng batikang aktor na si Wendell Ramos na magkakaroon ulit ng panibagong miyembro ang kanilang lumalaking pamilya. Masaya at nasasabik niyang ibinahagi ito sa kaniyang Instagram account.


Photo Courtesy: Wendell Ramos | Instagram

Kung makikita nga sa litrato ay tila hindi pa nagkikita sa personal ang dalawa sapagkat screenshot ng kanilang videocall ang litratong kaniyang ginamit. Marahil ito ay dahil sa pandemya at sa trabaho ni Wendell na ngayon ay nakalock-in taping.


Photo Courtesy: Wendell Ramos | Instagram

Pinangalanan nila ito ng kaniyang asawa na Mary Mardell na kakapanganak lamang noong Oktobre 27 taong kasalukuyan. Mayroon naman itong caption na nagsasabing “Our little bundle of Joy”, dahil paniguradong si baby ang kagigiliwan ngayon ng kanilang pamilya. Bukod kay baby Mary Mardell ay mayroon pa si Wendell na anak na mga dalaga at binata na.


Photo Courtesy: Wendell Ramos | Instagram

Kaya hindi mo rin masisisi na buhos ang kanilang atensyon sa kakapanganak lang na sanggol. Hindi rin nakalimutan ng aktor na magpasalamat sa ating Panginoon para sa biyayang kanilang natatanggap at sa ligtas na panganganak ng kaniyang asawa at sa malusog na sanggol.


Photo Courtesy: Wendell Ramos | Instagram

Hindi na rin mapigilan ang pananabik ng aktor na makasama at mahawakan ang kaniyang baby. Humingi naman siya ng pasensya sa anak dahil kailangan nitong unahin ang kaniyang trabaho. Ang kaniyang asawa muna na si Kukai ang mag-aalaga sa kanilang anak.


Photo Courtesy: Wendell Ramos | Instagram

Matagal silang naging magkasintahan muna at partner bago sila tuluyang magsumpaan sa loob ng simbahan at harap ng altar noong buwan ng Disyembre taong 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published.