Ibinahagi ng dating childstar ng Goin’ Bulilit na si Hopia ang kanilang Pre-Wedding Photos ng kaniyang partner

Kay bilis nga naman ng panahon. Hindi mo aakalain na magdadalawang taon na pala itong Pandemya. Sabi nga sa kanta “Lumilipas ang panahon, kabiyak ng ating gunita”, ang mga dating musmos na bata ngayon ay may kaniya-kaniya nang pamilya.

Photo Courtesy: Trina Legaspi | Instagram

Madami na rin tayong nasubay-bayan na ating mga idolo sa industriya ng showbiz na lumaki, nagbinata, at nagkaroon ng pamilya. Malamang niyan ‘yong iba ay kasabay nating lumaki o kasabay ng ating mga anak lumaki.

Photo Courtesy: Trina Legaspi | Instagram

Photo Courtesy: Trina Legaspi | Instagram

Tulad nalang nga ng dating child star na si Trina Legaspi, kung saan ay napapanood natin sa Goin’ Bulilit ng kapamilya channel noon. Kilala rin siya bilang Hopia ng kaniyang mga kasamahan sa trabaho noon. Kung maalala nga natin ay kasabayan niya ang mga bigating artista ngayon na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Photo Courtesy: Trina Legaspi | Instagram

Sa bilis nga ng panahon, sinong makakapagsabi na ikakasal na ang dating child star na si Trina Legaspi sa kaniyang kasintahan na si Ryan Jarina. Kung maalala nga natin ay nakaraang taon nang magpropose sa kaniya ang kaniyang nobyo.

Photo Courtesy: Trina Legaspi | Instagram

Makalipas nga ng ilang taon at paghahanda ay ikakasal na ang dalawa at bubuo ng kanilang masaya at malusog na pamilya. Kamakailan lang nga ay ibinahagi ni Trina Legaspi ang kanilang naging pre-wedding shoot sa kaniyang Instagram account.

Photo Courtesy: Trina Legaspi | Instagram

Kung makikita nga sa nasabing mga litrato ay masasabi mo na medyo may pagka-dramatic ang naging tema ng kanilang photoshoot. Dahil na rin siguro sa napili nilang kulay ng kasuotan. Makikita rin dito na mayroon silang hawak ng kabayo.

Photo Courtesy: Trina Legaspi | Instagram

Kalakip naman ito ng maikling mensahe na nagsasabing, ang pagmamahal ay hindi dumarating ng ganoon kadali kaya ito nagiging sulit ipaglaban. Dagdag niya rin na 2 linggo nalang ay kasalan na “and I’m home with you” panapos ng kaniyang caption.

Photo Courtesy: Trina Legaspi | Instagram

Nahinto ang naging karera ni Trina Legaspi sa showbiz nang ipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral at makapagtapos. Pagkatapos nga ng kaniyang pag-aaral ay bumalik din siya sa pangangalaga ng Star Magic. Mayroon din siyang Youtube channel at nagba-vlog para sa kaniyang mga tagahanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.