Isang ganap nang dalaga ang 1st Baby ni Judy Ann Santos na si Yohan nagdiwang ng kaniyang 17th Birthday

Ang pagiging isang tunay na magulang ay hindi basta-basta nasusukat sa kadahilanang hindi porke ikaw ang nagluwal sa isang bata ay maaari ka nang tawaging magulang. Dahil ang pagiging isang magulang ay isang responsibilidad na kailangan mong gampanan.


Photo Courtesy: Judy Ann Santos |Instagram


Photo Courtesy: Judy Ann Santos |Instagram

May mga pagkakataon at pangyayari sa ating buhay na kinakailangan nating maging magulang sa ibang bata. Lalo na doon sa mga mas nangangailangan. May mga pangyayari din na kahit gaano natin kagusto na maramdaman ang pagiging isang magulang ay hindi ito ibinibigay sa atin ng Diyos.


Photo Courtesy: Judy Ann Santos |Instagram


Photo Courtesy: Judy Ann Santos |Instagram

Sa mga pangyayaring ito, kaya nagagawa nating mag-adopt ng ibang bata na kalaunan ay magiging isang kapamilya at parte ng ating buhay. Tulad nalang nga ng pamilya ni Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na pawang mga personalidad sa industriya ng showbiz.

Photo Courtesy: Judy Ann Santos |Instagram

Para sa karamihan ay adopted ang kanilang panganay na si Yohan at bukas sila sa publiko tungkol dito. Taong 2004 ng maging isang ganap na magulang si Judy Ann ng i-adopt niya si Yohan. Hindi naman niya itinago ng matagal ito sa bata at inamin din ito ng mag 5 taong gulang ang bata.


Photo Courtesy: Ryan Agoncillo |Instagram

Ngayon nga ay nagdadalaga ng ang panganay nina Judy Ann at Ryan nang magdiwang ito ng kaniyang ika-17 taong gulang kamakailan lang. Ipinagdiwang naman nila ito sa kanilang tahanan kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Photo Courtesy: Ryan Agoncillo |Instagram

Ibinahagi ito ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram account. Kung makikita sa ipinost ni Judy Ann ay makikita ang kanilang selfie ng kanilang panganay na para bang nagsasaya sa kanilang party. Kalakip naman ito ng isang mensahe na para bang nagugulat siya na 17 taong gulang na ang kaniyang panganay.

Photo Courtesy: Ryan Agoncillo |Instagram

Si Yohan din daw ang kaniyang “answered prayer” at ang kaniyang kambal sa lahat ng bagay. Ayon rin kay Judy Ann na nakakamangha na makita nila habang lumalaki si Yohan. Kung makikita naman sa ipinost ni Ryan ay makikita ang naging party sa kanilang bahay. Sabi rin ni Judy Ann na panghabang buhay na “baby girl” nila si Yohan at biniro pa na sa susunod daw na kaarawan ni Yohan ay paatras ang magiging bilang ng kaniyang edad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.