Ito ang napakagandang mga litrato sa ginanap na kasalan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay

Sa buhay, mayroon talagang isang tao na nakalaan para sa atin. Magkaroon man ito ng samutsaring pambabatikos, hindi ito magiging hadlang para kayong dalawa ay maging masaya at magmahalan. Sa totoo lang, ito ang makakapagpatatag ng inyong pagsasamahan at relasyong dalawa.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram

Tulad nalang nga ng magkarelasyon at ngayon ay mag-asawa na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay na pawang mga batikang aktor sa industriya ng showbiz. Alam naman natin na naging usap-usapan ang kanilang naging relasyon dahil na rin siguro sila ay mga personalidad sa show business at lahat ng mata ay nakatingin sa kanila.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram

Ngunit hindi ito naging hadlang para sa kanilang pag-iibigan. Nakaraang araw nga lang araw ng Huwebes ay nag-isang dibdib na ang dalawa matapos ang ilang buwang paghahanda. Kung maalala natin ay nitong taon lang nila kinumpirma ang kanilang relasyon sa isa’t isa.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram

Naganap ang nasabing kasalan sa napakagandang lugar sa isang resort sa Bataan. Parang isang panaginip nga ito para sa mga kababaihan sapagkat nagpalitan sila ng kanilang mga “I dos” sa taas ng isang burol na makikita mo ang kagandahan ng karagatan at ang paglubog ng araw.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram

Kung makikita mo rin sa ipinost ng isa sa kanilang malapit na kaibigan ay makikita mo ang napakagandang kasuotan ni Ellen Adarna para sa kaniyang kasal. Simple lang din at lumabas ang pagkamatipuno at makisig ni Derek Ramsay sa kaniyang kasuotan.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram

Kung maalala naman natin bago ang nasabing kasal ay nagpost si Ellen Adarna ng kaniyang mga litrato suot ang iba’t ibang uring bridal gowns. Hindi naman mawawala sa kasalan ang kanilang mga kapamilya at ibang malalapit ng kaibigan tulad nina Vicki Belo at Beauty Gonzales.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram

Nagsimula ang haka-haka ng kanilang relasyon noong magpost si Ruffa Gutierrez ng litrato na magkasama silang dalawa. Sa kasunod na buwan nga ay nakitang muli sila na magkasama nang sila ay magroadtrip kasama ang anak ni Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz na si Ellas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.