Ipinagdiwang ni Pauleen Luna at Vic Sotto ang ika-apat na kaarawan ng kanilang anak na si Tali

Ang pagiging isang magulang ay hindi basta-basta nasusukat sa anumang bagay. Ang pagiging magulang ay hindi nababase sa kadahilanang ikaw ang nagluwal sa bata. Ang pagiging magulang ay isang responsibilidad na hindi mo puwedeng balewalain at kailangan mong panindigan.

Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram

Para nga sa iba ang pagkakaroon ng isang anak ay isang tagumpay para sa kanilang buhay. Ito ay kayamanan na kailangan nilang ingatan. Ang pagkakaroon ng anak ay kaligayahan ng isang magulang. Kaya’t ‘yong iba ay labis-labis ang pag-aalaga sa kanilang mga anak.


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram

Tulad nalang nga ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto sa kanilang anak na si Tali. Para nga sa aktres at host na si Pauleen Luna ay tinawag niya ang kaniyang anak na ang kaniyang pinakamagandang tagumpay.


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram

Kamakailan lang nga ay nagdiwang ng kaniyang ika-4 na kaarawan ang anak ni Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali kung saan ay ibinahagi nila ang kanilang naging selebrasyon. Ginawa ito ni Pauleen Luna sa pamamagitan ng pagpost ng mga litrato at video sa kaniyang Instagram account.

Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram

Kung makikita nga sa mga ipinost na litrato ni Pauleen ay makikita na masayang-masaya si Tali sa kaniyang naging party. Makikita rin na may mga bata rin sa party. Hindi rin mawawala ang kanilang malalapit na kaibigan at mga mahal sa buhay.


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram

Sa naging caption nga ng kaniyang post ay nagpasalamat siya sa Panginoon sa ibinigay niyang buhay para sa kanilang anak. Sinabi rin niya na hindi matatawaran ang kaligayahan ng kanilang anak sa kanilang naging pagdiriwang.


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram

Ayon pa kay Pauleen na nang ipinanganak niya si Tali ay lumabas ang pinakamahusay na bersyon ng kaniyang sarili. Nagpasalamat din siya sa kaniyang anak sa pag-udyok sa kaniya at sa pagtupad ng kaniyang pangarap na maging isang ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published.