Nagbigay ng mensahe si Marvin Agustin sa kaarawan ng kaniyang dating katambal na si Jolina Magdangal

Sa buhay natin, may darating talaga na tao na magiging parte ng buhay natin at magbibigay sa atin ng mga ala-ala na hinding hindi natin makakalimutan. Mayroon pa nga silang kasabihan na “Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana”.


Photo Courtesy: Marvin Agustin | Instagram

Hindi dahil sa madaming humahadlang sa kanilang dalawa kundi dahil hindi naman talaga sila para sa isa’t isa. Pero hindi ‘yon dahilan upang hindi sila o kayo magkaroon ng isang matibay na relasyon bilang magkaibigan.


Photo Courtesy: Marvin Agustin | Instagram

Karamihan nga sa atin ay mayroon tinatawag na matalik na kaibigan o iyong mga malalapit na kaibigan natin. Sila yong takbuhan natin kapag may problema tayo. Sila yong siguradong maasahan natin sa lahat ng bagay at hindi tayo iiwan.


Photo Courtesy: Marvin Agustin | Instagram

Tulad nalang nga dating magkatambalan na Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Sa lakas ng kanilang loveteam noon ay talagang bawat pelikula nila ay siguradong ikaw ay kikiligin. Marami ring nalungkot lalo na sa kanilang mga tagahanga na malamang hindi sila nagkatuluyan sa totoong buhay.


Photo Courtesy: Jolina Magdangal | Instagram

Ganoon pa man ay nagpapasalamat pa din tayo dahil nagkaroon ng Jolina at Marvin Agustin noong kanilang kapanahunan. Hindi man naging sila sa totoong buhay ay mayroon naman tayong mapapanood na mga pelikula nila na siguradong magpapakilig sa atin.


Photo Courtesy: Jolina Magdangal | Instagram

Kamakailan lang nga ay nagbahagi si Marvin Agustin ng kaniyang matamis na pagbati para sa kaarawan ng kaniyang kaibigan at dating katambalan na si Jolina Magdangal para sa ika-43 nitong kaarawan. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpost ng litrato sa kaniyang Instagram account.


Photo Courtesy: Jolina Magdangal | Instagram

Kung makikita nga sa nasabing post ay ang ginamit na litrato ni Marvin ay ang litrato ng anak na babae ni Jolina Magdangal na si Vika. Kalakip naman ito ng mahabang mensahe na nagsasabing, bata pa lamang daw sila ay alam na ni Marvin na magbibigay ng kaligayahan sa madaming tao si Jolina.


Photo Courtesy: Jolina Magdangal | Instagram

Binibiro pa ni Marvin na para bang hindi niya alam na si Vika ang nasa litrato kung hindi ay si Jolina. Kung maalala nga natin ay may pagkakwela naman talaga si Marvin Agustin. Sinabi rin ng aktor na si Vika daw ay manang mana kay Jolina na isang “Trendsetter”.


Photo Courtesy: Jolina Magdangal | Instagram

Sa huling parte ng mensahe ay naging seryoso si Marvin at nagpapasalamat dahil mayroong Jolina na ipinanganak at kanilang nakilala ng kaniyang mga pamilya, katrabaho, at mga mahal sa buhay. Sa pagtatapos ng mensahe ni Marvin ay nagpasalamat ito sa pagbibigay ng kaligayahan sa lahat at sinabi niya na “Salamat sa pagiging ikaw”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.