Ipinagkaloob sa celebrity couple na sina Sunshine Garcia at Alex Castro ang isang Baby Boy

Bilang isang magulang wala nang mas sasaya kapag nasilayan niyo na ang pinakaaantay niyong anak. Kahit sabihin pa natin na naranasan niyo na nang paulit-ulit ang magsilang ng isang sanggol. Kapag dumating sa punto na magkakaanak ulit kayo, para bang ito ay bumalik sa unang pagkakataon pa rin ang iyong mararamdaman.


Photo Courtesy: Sunshine Garcia | Instagram


Photo Courtesy: Sunshine Garcia | Instagram

Sa isang pamilya pangarap ng mga magulang na magkaroon ng maraming anak. Samantalang ang iba naman ay sapat na ang isang babae at isang lalaki. Ngunit ang iba naman ay dahil nga sa kagustuhan na magkaanak ng gusto nilang kasarian ay dumadami ang kanilang anak sapagkat hindi ipinapagkaloob sa kanila ng Diyos.


Photo Courtesy: Sunshine Garcia | Instagram


Photo Courtesy: Sunshine Garcia | Instagram

Samantala mayroon namang iba na kahit anong kasarian ng anak nila ay ayos lang basta’t may limitasyon sila sa dami ng kanilang magiging anak. Tulad nalang nga mag-asawa na kapwa personalidad sa showbiz na sina Sunshine Garcia at Alex Castro.


Photo Courtesy: Sunshine Garcia | Instagram


Photo Courtesy: Sunshine Garcia | Instagram

Kamakailan lang nga ay ibinahagi nila at ipinakilala ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Alexander. Kung maalala nga natin ay mayroon na silang unang anak na isa ring lalaki. Ibinahagi naman ni Alex Castro ang sandali at litrato ng kanilang baby sa kaniyang Instagram account.


Photo Courtesy: Sunshine Garcia | Instagram

Mayroon naman itong maikling caption na “He’s here” na tila ba sabik na sabik silang naghihintay sa kaniyang paglabas. Kung maalala nga natin ay nagpost din si Sunshine Garcia ng kanilang pag-anunsyo sa kanilang bagong miyembro ng pamilya.


Photo Courtesy: Sunshine Garcia | Instagram

Nagkaroon naman ito ng caption na tila ba babae ang kanilang inaasam na magiging anak. Pabirong sinabi nga ni Sunshine na ayaw pa rin daw ibigay sa kanila ang anak na babae, kaya gagawa raw siya ng paraan at papipiliin niya raw si Alex sa kanilang mga anak kung sino ang kaniyang gagawing babae.


Photo Courtesy: Sunshine Garcia | Instagram

Si Sunshine Garcia ay isa sa mga dating sikat dancer at isang aktres. Si Alex Castro naman ay isa ring aktor na pinasok ang pulitika. Sila ay ikinasal noong buwan ng Marso taong 2019. Ipinanganak naman ang kanilang unang anak taong 2018.

Leave a Reply

Your email address will not be published.