Ipinakita ni Sunshine Cruz ang kaniyang bagong hairstyle na labis namang kinahumalingan ng netizens

Bilang isang personalidad sa showbusiness, kinakailangan nating alagaan ang ating mga sarili. Mapakutis, balat, buhok, katawan man yan kinakailangan na maganda pa rin sa mata ng mga tao mapa off-cam man o on-cam. Marami na rin tayong idolo na natutunghayan at nasusubaybayan ang kanilang mga buhay-buhay sa loob at labas ng pelikula. Marahil na rin siguro ito ay dahil sa pag-usbong ng ating teknolohiya.


Photo Courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Ang kanilang buhay nga ay ating nasusubaybayan kahit matagal na silang hindi lumalabas sa pag-arte. Tulad nalang nga ng aktres na si Sunshine Cruz na hindi mo maikakaila na isa sa pinakamagandang leading lady noong kaniyang kapanahunan. Kung maalala nga natin ay maraming kalalakihan ang nahumaling sa kaniya lalo na sa kaniyang mga ginagampang tauhan sa mga pelikula at palabas.


Photo Courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Kamakailan lang nga ay naging usap-usapan siya at ang kaniyang bagong hairstyle nang magbahagi siya ng kaniyang litrato sa social media. Hindi naman ito nakawala sa kaniyang mga tagahanga at mga netizens.


Photo Courtesy: Sunshine Cruz | Instagram


Photo Courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Nagkaroon ito ng samutsaring komento at reaksyon. Karamihan nga dito ay ang maganda at positibong pamumuna ng mga tao. Kung makikita nga natin ang kaniyang litrato ay hindi mo maikakaila kung bakit madaming lalaki ang nahuhumaling sa kaniya.


Photo Courtesy: Sunshine Cruz | Instagram


Photo Courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Napakabata niya tignan sa kaniyang naging bagong hairstyle kumpara sa kaniyang mga ka-edaran. Siguro nga ay dahil alaga niya ang kaniyang sarili dahil isa siyang personalidad sa showbusiness. Hindi mo rin mahahalata na mayroon na siyang tatlong anak na dalaga sa kaniyang dating asawa na si Cesar Montano. Sa Industriya ng show business masasabi mo talaga na isa si Sunshine Cruz sa pinakamagandang aktres mapanoon hanggang ngayon.


Photo Courtesy: Sunshine Cruz | Instagram


Photo Courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Isa sa pinakamainam na maaari mong gawin para sa iyong sarili ay ang alagaan ito lalo na sa mga panahon na napakaraming problema ang maaaring ibato sayo ng mundo. Isa si Sunshine Cruz ang pinakamagandang halimbawa nito dahil sa kabila ng lahat ng kaniyang pinagdaanan sa buhay ay hindi niya pinabayaan ang kaniyang sarili at mas inalagaan pa ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.