Sa murang edad na labing-anim, si Jillian Ward ay nakabili na ng magarang sasakyan na BMW

Isa na rin siguro sa pinapangarap ng karamihan ay ang magkaroon ng sariling sasakyan. Kahit nga siguro yong pinakasimpleng sasakyan ay siguradong magiging masaya na ang isang tao kapag biniyayaan siya nito. Mas mainam nga naman kapag mayroon kang sariling sasakyan. Hindi kana makikipagsiksikan at makikipag-unahan sa madaming tao para lang makasakay. At siguradong mas maganda at komportable ito lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Photo Courtesy: Jillian Ward | Instagram





Photo Courtesy: Jillian Ward | Instagram

Kapag ikaw ay may sarili nang pinagkakakitaan at may maayos naman na tinutuluyan siguro nga ay sasakyan ang una mong pag-iipunan. Tulad nalang nga ng aktres at dating child star na si Jillian Ward na kamakailan lang ay ipinagmamalaking ibinahagi ang kaniyang bagong sasakyan.


Photo Courtesy: Jillian Ward | Instagram


Photo Courtesy: Jillian Ward | Instagram

Ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng pagpost ng litrato kasama ang kaniyang bagong sasakyan. Nilagyan niya naman ito ng caption na “My new baby car”. At hindi lang ito basta-basta sapagkat may tatak ang kaniyang bagong sasakyan na BMW.


Photo Courtesy: Jillian Ward | Instagram




Photo Courtesy: Jillian Ward | Instagram

Hindi naman ito pinalampas ng kaniyang mga tagahanga at mga netizens at nagbigay ng samut-saring komento at reaksyon. ‘Yong iba ay proud na proud sa dalaga na sa edad niyang 16 na taong gulang ay nakabili na ng ganitong sasakyan.


Photo Courtesy: Jillian Ward | Instagram

‘Yong iba naman ay nagcomment ng “Congratulations” para sa nakamit na tagumpay ng dalaga. Kung maalala nga natin sumikat ang dating child star na ito sa kaniyang teleserye na “Trudis Liit” ng Kapuso channel.


Photo Courtesy: Jillian Ward | Instagram

Mayroon din siyang mga commercials, nagmomodel at kumakanta rin siya. Dahil nga sa kaniyang sipag at tiyaga ay nakamit niya ang kaniyang mga pinapangarap lamang noon sa edad na 16 taong gulang. At dahil na rin ito sa kaniyang mga magulang na umagapay, gumabay, umalalay, at nagbigay sa kaniyang ng suporta.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *