Ibinahagi ni Ryan Bang ang kaniyang naging karanasan noong mga panahon na sila ay hirap pa sa buhay

Mayroong kasabihan na hinding-hindi mo maiintindihan ang buhay at estado ng isang tao kapag hindi ka pa nakakatapak sa kinatatayuan nito. Kaya sa buhay natin hindi mo dapat hinuhusgahan ang iyong kapwa kung hindi mo pa naranasan ang kaniyang mga pinagdaanan sa buhay.


Photo Courtesy: Ryan Bang | Instagram




Karamihan sa ating mga iniidolo sa show business ay nagdaan muna sa mga pagsubok bago nila makamit ang kanilang tagumpay ngayon. Isa nga rito ay ang TV host na si Ryan Bang na isang Koreano.


Photo Courtesy: Ryan Bang | Instagram

Kung maaalala natin ay nakilala ang host na si Ryan Bang sa reality show ng kapamilya channel na “Pinoy Big Brother”. Matapos nga ang PBB ay nagkaroon na siya ng mga shows at proyekto sa nasabing network hanggang siya nga ay sumikat sa ating bansa.


Photo Courtesy: Ryan Bang | Instagram

Naging patok siya sa mga manunuod dahil narin siguro sa galing niya sa pagpapatawa at sa kaniyang pagkabulol sa pagsasalita ng ating wika. Ngunit napamahal siya sa mga manunuod dahil sa pagmamahal niya sa ating kultura.


Photo Courtesy: Ryan Bang | Instagram

Sa kabila nang pagiging komedyante at masayahing host, naging masalimuot pala ang kaniyang naging buhay sa Korea noon. Ito ay kaniyang ibinahagi nang siya ay makapanayam ni Ogie Diaz sa kaniyang vlog.


Photo Courtesy: Ryan Bang | Instagram




Bago pa nga sumikat si Ryan Bang sa ating bansa ay hindi naging madali para sa kaniya ang buhay sa South Korea. Naghiwalay ang kaniyang mga magulang sa kaniyang murang edad at naiwan ang kaniyang ama nang maraming utang.


Photo Courtesy: Ryan Bang | Instagram

Ayon pa nga sa kaniya ay namasukan ang kaniyang ina sa iba’t ibang trabaho para maitaguyod sila nito. Nadamay din sila sa pinagkakautangan ng kaniyang ama kung kaya’t pati ang kanilang mga ari-arian ay kinuha sa kanila ng bangko sapagkat hindi sila makapagbayad.


Photo Courtesy: Ryan Bang | Instagram

Naranasan na rin daw ni Ryan na maniharan sa isang basement at kahit sa isang kwarto sa isang paaralan ay nadanas niya na. Ngunit dahil nga sa kaniyang murang edad noong panahong iyon ay hindi pa niya naiintindihan ang kanilang sitwasyon.

Napunta nga si Ryan at ang kaniyang ina sa Pilipinas taong 2005 nang magbakasyon sila at tumuloy sa matalik na kaibigan ng kinakasama ng kaniyang ina. Ang dapat bakasyon lang ay tumagal hanggang sa manatili sila dito sa bansa upang mag-aral ng highschool si Ryan.


Photo Courtesy: Ryan Bang | Instagram

Hanggang sa pumasok nga at sumali si Ryan Bang sa reality show na “Pinoy Big Brother” at maging isa sa mga runner-up. Isa rin siya sa pinakamatagumpay sa kanilang batch sa PBB kasama sina James Reid.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *