Ibinahagi ni Bayani Agbayani na naranasan niya noon maging Kargador sa Divisoria upang itaguyod ang kaniyang pag-aaral

Sabi nga nila ang buhay parang isang gulong, minsan ikaw ay nasa taas at minsan naman ay nasa ibaba. Ngunit laging tatandaan na hindi palaging ikaw ay nasa ibaba. Darating at darating ang panahon na ikaw ay magtatagumpay sa buhay lalo na kapag ikaw ay may sipag at tiyaga.


Photo Courtesy: Bayani Agbayani | Instagram

Karamihan nga sa mga personalidad na nasa industriya ng showbusiness ay naranasan na ang nasa ibaba. Dahil ang buhay ay hindi laging ikaw ay nasa itaas. Kaya nga kapag dumating ang pagkakataon na ikaw ay umasenso at nasa rurok na ng iyong tagumpay siguraduhin mong ito’y iyong gagamitin sa tama.


Photo Courtesy: Bayani Agbayani | Instagram

Sapagkat ‘yong iba pa nga ay dahil sa labis na kasikatan ay napupunta naman sa maling landas. Sabi nga nila kung gaano kataas ang iyong paglipad ganoon naman kasakit ang iyong pagbagsak. Ngunit iba ang naging karanasan ng sikat na komedyante na si Bayani Agbayani.

Kilala natin si Bayani Agbayani sa isa sa pinakamagaling na komedyante at sa galing niya sa pagpapatawa. Ngunit hindi natin alam na ang kaniyang karanasan noon. Bago pa man siya sumikat ang mapagtagumpayan ang mga bagay na mayroon siya ngayon ay naranasan niya muna mapunta sa ibaba o sa kahirapan.


Photo Courtesy: Bayani Agbayani | Instagram

Sa likod ng masayahing personalidad ng aktor na si Bayani Agbayani ay naranasan niya na palang itaguyod ang sarili sa kaniyang murang edad noong kaniyang kabataan. Ibinahagi niya ito nang minsan ay makapanayam siya ni Aiko Melendez.


Photo Courtesy: Bayani Agbayani | Instagram

Ayon pa sa kaniya na bago niya pa pasukin ang mundo ng showbiz ay naranasan niya munang maging isang kargador sa Divisoria upang maitaguyod ang kaniyang pag-aaral. Mula elementarya hanggang mag-high school pa nga raw ay kumakayod na siya. Madami pa nga raw siya pinasok na trabaho tulad ng pagbebenta ng kung ano-ano at ang pagiging waiter.


Photo Courtesy: Bayani Agbayani | Instagram

Hanggang sa pasukin niya nga ang mundo ng showbiz at nagkaroon pa nga ng sikat na awitin na hanggang ngayon ay ating naririnig lalo na kapag Fiesta, ito ay ang “Otso-otso”. Ibinahagi rin niya na mahalaga at may malaking parte sa kaniya ang “Otso-otso”.


Photo Courtesy: Bayani Agbayani | Instagram

Ngayon nga ay masaya na siya at masasabi mo na ibang-iba na ang kaniyang buhay ngayon kaysa noon. May sarili na siyang pamilya at lagi niya pinapaalalahanan ang kaniyang mga anak na mahalaga ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho ng marangal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *