Ipinasilip ni Chesca Kramer ang sariling kwarto ng kaniyang dalagang anak na si Kendra

Bilang isang magulang gusto natin na lagi nating kasama ang mga anak lalo na noong bata pa sila. ‘Yong tipong nakikita natin kung ano ang kanilang ginagawa sa bawat araw at gabi. ‘Yong inaalalayan natin sila sa bawat sandali ng kanilang ginagawa.

Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Ngunit sabi nga nila “Lumilipas ang panahon”. Darating talaga tayo sa punto na lalaki sila at magkakaroon ng kani-kanilang pribadong gawain. Tulad nalang nga ng panganay na anak ni Chesca Garcia at Doug Kramer na si Kendra Kramer kung saan ay lumalaki na.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Nang dahil nga dito ay nagkaroon na si Kendra Kramer ng sarili niyang kuwarto kung saan ay mag-isa lang siya dito. Masaya naman itong ibinahagi ni Chesca Garcia sa kaniyang social media account. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpost ng litrato ng nasabing kuwarto sa kaniyang Instagram account.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Kalakip naman ito ng caption na “My baby is now a lady”. Dagdag pa niya na hindi na raw ito pang bata na kuwarto ngunit nandito pa rin ang kaniyang mga paboritong laruan, manika, at stuffed toys. Nagkaroon naman ito ng samut-saring reaksyon at komento galing sa kanilang mga tagahanga at netizens.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Kung makikita nga sa litrato ay masasabi mong nagdadalaga na nga anak nilang si Kendra. Ang disenyo ng nasabing kuwarto ay “boho chic” na disenyo. Hindi man natin mapigilan ang kanilang paglaki, sinisigurado naman natin na masusulit nila ang kanilang pagkabata.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Hindi man natin mapigilan ang kanilang pagtanda, nandito naman tayo upang subaybayan at alalayan sila sa kanilang paglaki. At kahit na malaki na sila, hindi pa rin mawawala ang responsibilidad natin sa kanila bilang kanilang magulang.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Si Doug Kramer at Chesca Garcia ay ikinasal at nag-isang dibdib noong buwang ng Oktubre taong 2008. Mayroon sila ngayong 3 anak. Para sa karamihan ay sikat ang kanilang pamilya sa social media at mayroon pa silang youtube channel. Ang tawag sa kanilang pamilya ay “Team Kramer”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.