Ibinahagi ng mag-asawang Chito at Neri ang kanilang napakagandang property sa Cavite na bukas na rin para sa publiko

Isa nga siguro sa mga layunin ng isang pamilya ay ang magkaroon ng sariling bahay bakasyunan o Rest house. Upang kahit papaano ay makatakas sila sa tunay na mundo para makapagbakasyon at makapagrelaks. Isa na nga rin siguro sa dahilan kung bakit gusto ng iba na magkaroon ng sariling bahay bakasyunan o rest house ay upang mayroon silang sarili at pribadong lugar na kanilang mapupuntahan upang sila ay makapagpahinga sa trabaho at malapit sa kalikasan.

Photo Courtesy: Chito Miranda | YT


Photo Courtesy: Chito Miranda | YT

Tulad nalang nga ng pamilya at mag-asawang sina Neri Naig at Chito Miranda. Kamakailan lang nga ay ibinahagi at isinapubliko ng mag-asawa ang kanilang rest house na matatagpuan sa probinsya ng Alfonso Cavite.


Photo Courtesy: Chito Miranda | YT


Photo Courtesy: Chito Miranda | YT


Photo Courtesy: Chito Miranda | YT

Kung maalala nga natin ay taong 2017 nang una ito ipinasilip ni Neri sa kaniyang mga tagahanga. Makalipas nga ng ilang taon, mas lalo pa nilang napaganda at napaayos ang kanilang rest house. Kung maalala nga natin ay doon nila ipinagdiwang ang ika-4 taong kaarawan ng kanilang anak na si “Miggy”.


Photo Courtesy: Chito Miranda | YT


Photo Courtesy: Chito Miranda | YT

Dahil nga sa pagiging business minded ng mag-asawang ito at madiskarte sa buhay ay naisip nila na isapubliko at ipa-rent ang kanilang napakaganda at nakakarelaks na rest house. Ibinahagi nga ito ni Chito Miranda sa kaniyang Instagram. Kalakip nga ng mga litrato ay inilagay din ni Chito ang iba pang detalye ng kanilang rest house at ang magiging rental fee nito.


Photo Courtesy: Chito Miranda | YT


Photo Courtesy: Chito Miranda | YT


Photo Courtesy: Chito Miranda | YT

Ayon pa kay Chito na mayroon itong sumatotal na apat na kuwarto. Ang dalawa dito ay master bedrooms kung saan kasya ang 2 hanggang 4 na katao. Ang dalawa naman ay barkada rooms kung saan kasya naman ang 4 hanggang 6 na katao.


Photo Courtesy: Chito Miranda | YT


Photo Courtesy: Chito Miranda | YT

Mayroon din itong pavilion kung saan maaaring maging venue para sa kasal, binyag, debut, parties, at iba pa. Nagbigay din ng palatandaan si Chito upang maalagaan at maiwasan na masira ang kanilang rest house sapagkat kapag wala raw silang trabaho ay pumupunta talaga sila dito upang mag-relaks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *