Kilalanin ang napakaganda at nag-iisang babae na anak ni Gladys Reyes at Christopher Roxas

Sa industriya ng show business, ang madalas na napapansin at sumisikat ay ang mga nagiging bida o ‘yong mga pangunahing tauhan sa pelikula o palabas. Marahil siguro dahil sa kanila naka-focus ang istorya ng pelikula. Mga bida rin madalas ang nagkakaroon ng maraming mga tagahanga. Bibihira nalang siguro ang humahanga sa mga nagiging kontrabida. Madalas kasi na ang mga kontrabida ay kinaiinisan ng mga manunuod.

Photo Courtesy: Gladys Reyes | Instagram

Ngunit ibahin niyo ang batikang aktres na si Gladys Reyes kung saan siya ang isa sa pinakamagaling na kontrabida sa larangan ng pag-arte. Sumikat pa siya noong gampanan niya ang karakter ni “Clara” sa teleserye na sumikat noong dekada 90 na “Mara Clara”. Sa galing niya nga sa pag-arte, nadadala ang mga manunuod at nagagalit pa sa kaniya sa totoong buhay. Ngunit lingid sa ating kaalaman na taliwas at malayong-malayo ang kaniyang totoong pag-uugali sa kaniyang mga ginagampanang karakter sa pelikula.


Photo Courtesy: Gladys Reyes | Instagram


Photo Courtesy: Gladys Reyes | Instagram

Sa totoong buhay isang mapagmahal na ina si Gladys sa kaniyang apat na anak sa kaniyang asawa na si Christopher Roxas. Sila na nga rin siguro ang nagpatotoo sa kasabihang “pinagtagpo, at itinadhana” dahil silang dalawa ang magkatambalan sa mga pelikula noon at sila rin ang magkapareha sa totoong buhay ngayon.


Photo Courtesy: Gladys Reyes | Instagram


Photo Courtesy: Gladys Reyes | Instagram

Tatlo nga sa kanilang anak ay mga lalaki at si Giana Aquisha naman ang nag-iisang anak nila na babae. Kung kaya prinsesa ang turing ng kanilang pamilya sa kaniya. Nagdadalaga na rin ang kaniyang anak na si Giana dahil ito ay nasa 13 taong gulang na.


Photo Courtesy: Gladys Reyes | Instagram

Dahil na rin siya ang only girl sa kanilang pamilya kung kaya’t parang mag-bestfriend ang turingan nilang mag-ina. Dahilan rin nito ang kanilang madalas na pag-bonding sa mga bagay na kanilang kinahihiligan tulad ng pagpe-perform at pagsasayaw.


Photo Courtesy: Gladys Reyes | Instagram

Madalas din na pareho ang kanilang isinusuot na OOTD. Hindi rin maikakaila na namana ni Giana ang galing ng kaniyang mga magulang sa pag-arte. Ito ay nang minsan siyang bumida sa isang event sa kanilang paaralan at maipamalas ang kaniyang talento sa pag-arte.


Photo Courtesy: Gladys Reyes | Instagram

Ang pagsasamahan nina Gladys at Christopher ay nasa 17 taon na bilang mag-asawa, ngunit ang kanilang relasyon at pagmamahalan ay nasa 28 taon na sapagkat noong panahon ng “Mara Clara” sila unang naging magkasintahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.