Silipin ang napakagandang Rest House ng pamilya Legaspi sa Batangas

Karamihan sa atin ay pinapangarap ang magkaroon ng sariling bahay bakasyunan sa magagandang probinsya ng ating bansa. Kung ang iba ay sasakyan ang ipinupundar sa kanilang sarili, mayroon namang iba na mas pinipili na magkaroon ng ari-arian at mga lupain sa kanilang probinsya.

Photo Courtesy: Legaspi Family | Social Media Platforms


Photo Courtesy: Legaspi Family | Social Media Platforms

Lalo na ‘yong mga masasabi nating may kaya sa buhay at mayayaman ay sinisiguradong gugustuhin na magkaroon ng Rest house sa mga probinsya na malapit sa kalikasan. Samantalang ang iba din na lumaki at naninirahan ngayon sa siyudad ay siguradong nagbabalak na magpagawa ng sariling bahay bakasyunan sa isang probinsya.


Photo Courtesy: Legaspi Family | Social Media Platforms


Photo Courtesy: Legaspi Family | Social Media Platforms

Tulad nalang ng pamilya at celebrity couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na kamakailan lang ay ipinasilip at ibinahagi ang kanilang pagmamay-ari na bahay bakasyunan o Rest house sa probinsya ng Batangas. Alam naman natin na ang pamilya nila at pamilya ng mga artista kaya nakakamangha na sa kabila na pagiging busy nila sa kani-kanilang mga trabaho ay nagawa pa rin nila itong ibahagi sa kanilang social media.


Photo Courtesy: Legaspi Family | Social Media Platforms


Photo Courtesy: Legaspi Family | Social Media Platforms

Nakakamangha rin na hindi nila nakakalimutan na magkaroon ng oras para sa kanilang pamilya para makapagsaya at makapagbakasyon. Ito na nga rin siguro ang isa sa kanilang mga dahilan kung bakit mayroon silang Rest house upang sila ay makapag-relaks pagkatapos ng nakakapagod na trabaho.


Photo Courtesy: Legaspi Family | Social Media Platforms


Photo Courtesy: Legaspi Family | Social Media Platforms

Bukod sa pagbabahagi ng kanilang Rest house ay ibinahagi rin nila ang karaniwan nilang ginagawa kapag naroon sila sa kanilang Rest house upang magbakasyon. Una nilang ipinakita ang madalas nilang pag-bonding at ito ay ang kanilang swimming pool.


Photo Courtesy: Legaspi Family | Social Media Platforms


Photo Courtesy: Legaspi Family | Social Media Platforms

Ayon din sa pamilya ng Legaspi na kahit sila ay nasa bakasyon, hindi pa rin mawawala ang kanilang pagwo-work out, kaya naman makikita mo rin dito ang lugar kung saan sila nag-eehersisyo at naglalaro ng mga sports. Hindi rin mawawala ang paboritong lugar ng mga ina at mga mahihilig magluto, ang kusina. Ipinakita niya rin ang napakagandang kusina na halos kompleto sa lahat ng kagamitan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *