Ipinasilip ni Andrea Brillantes ang napakaganda at bagong renovated Bedroom na mayroong Vintage Themed Design

Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang kagustuhang disenyo o istilo ng ating magiging kuwarto. Habang tayo ay lumalaki o tumatanda nag-iiba ang mga ito. Katulad nalang nga aktres na si Andrea Brillantes na kamakailan lang ay ibinahagi ang disenyo at tema ng kaniyang sariling kuwarto. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng isang vlog. Kamakailan lang nga ay ipina-renovate niya ang kaniyang sariling kuwarto.

Photo Source: Andrea Brillantes | Instagram


Photo Source: Andrea Brillantes | Instagram

Kung dati ay makikita mo na pang-Kikay ang tema ng kaniyang kuwarto. Ngayon ay tila nag-matured ang naging tema nito. Masaya nga niya itong ipinasilip sa kaniyang mga tagahanga at netizens.
Ang tema ng kaniyang kuwarto ay isang Vintage Themed o ‘yong makalumang tema. Kung makikita nga sa kaniyang vlog ay makikita mo na mayroon siya mga vintage na mga kagamitan para sa kaniyang kuwarto.


Photo Source: Andrea Brillantes | Instagram

Mapapansin mo rin na malawak ang kuwarto ng dalaga kahit na siya ay mag-isa lang at solo ang kuwarto na ito. At tulad nga ng ibang kabataan at dalaga ay naglalaman din ito ng mga mapaglilibangan na kagamitan.


Photo Source: Andrea Brillantes | Youtube

Kahit sino ay gugustohin na tumambay o maging kuwarto ang nasabing silid sapagkat halos nandito na ang lahat. Mayroon itong complete PC setup, mayroon ding mga instrumento para sa pagtug-tog, may sarili rin itong snack bar, entertainment corner, lounge area, vanity corner.


Photo Source: Andrea Brillantes | Youtube


Photo Source: Andrea Brillantes | Youtube

Kung gusto mo rin naman magmuni-muni ay may pwesto rin para dito at siyempre mayroon din itong napakalambot na kama. Agaw pansin din ang disenyo ng snack bar nito na mala-American diner style ang dating.


Photo Source: Andrea Brillantes | Youtube

Naglalaman din ang kaniyang silid ng sarili niyang paggawa ng mga snacks tulad ng cotton candy maker, popcorn maker, ice cream maker, at snow cone maker na talagang gusto ng mga kabataan. Makikita rin dito ang iniregalo sa kaniya ng kaniyang katrabaho na si Dimples Romana na pulang mini fridge.


Photo Source: Andrea Brillantes | Youtube


Photo Source: Andrea Brillantes | Youtube

Sa nasabing entertainment area naman ay makikita ang kaniyang napakagandang TV at Beans bag. Ayon pa kay Andrea na ang kaniyang couch ay puwedeng maging full-sized na higaan kung kaya’t kadalasan ay dito siya natutulog.

Photo Source: Andrea Brillantes | Youtube

Ang kaniyang silid ay nagpapakita ng kaniyang personalidad. Maliban sa pagiging maganda, talentado, at mukhang trendy ay masasabi mo rin na si Andrea ay mahilig sa maraming bagay. Aminado rin siya na mas gusto niya na maraming kagamitan ang napapaloob sa kaniyang kuwarto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.