Ito ang itsura ng idolo natin na si Vice Ganda kapag siya ay walang suot na peluka o wig

Bilang isang personalidad na humaharap sa maraming tao at nagtatanghal sa harap ng telebisyon, kinakailangan nating gawing presentable ang ating mga sarili. Ano man ang ating kasarian, ano man ang diperensya sa ating katawan ay dapat magawan natin ito ng paraan.


Photo Source: Abscbn Entertainment | YT

Karaniwan nga sa mga nagiging problema ng mga tagapagtanghal ay ang problema sa kanilang ngipin o buhok. At dahil sa ating teknolohiya ay madali na lang ito ngayong solusyonan. Mayroon na ding mga eksperto at mga dalubhasa pagdating dito na maari nating malapitan.


Photo Source: Vice Ganda | Instagram

Isa nga sa mga personalidad sa showbiz na nakaranas ng problema sa buhok ay ang aktor at komedyanteng si Vice Ganda. Alam naman natin na si Vice Ganda ay isang transgender at isa nga sa kaniyang nagiging problema ay ang karaniwang problema ng mga lalaki sa mga buhok. Ito ay ang pagka-panot o pagkalagas ng buhok.


Photo Source: Vice Ganda | YT

Kung mapapansin nga natin at mapapanuod siya sa kaniyang mga show ay nakakapagtaka na pa-iba iba siya ng hairstyle, haba ng buhok, at kulay ng buhok. Ang dahilan naman nito ay sapagkat siya ay nagsusuot ng wig para maitago ang kaniyang pagkapanot.


Photo Source: Vice Ganda | YT

Kamakailan lang nga sa isang vlog ay ipinakita niya ito sa publiko. Ito ay nang bumisita siya sa Salon ng kaniyang kaibigan at anak-anakan na si Ryan Bang. Sa nasabing vlog ay nagpamake-over si Vice Ganda dahilan upang makita ang totoong itsura ng kaniyang buhok.


Photo Source: Vice Ganda | YT

Ayon din kay Vice Ganda na kaya niya isinagawa ang nasabing vlog ay para suportahan at negosyo ng kaniyang kaibigan na si Ryan Bang at ito nga ay ang salon. Ang pangalan ng salon ni Ryan Bang ay “MoriduArt”.


Photo Source: Vice Ganda | YT

Sa vlog nga ni Vice na iyon ay magpapamake-over siya ng kaniya buhok at ang gagawa nga ng kaniyang buhok at scalp treatment ay magmumula pa sa bansang Korea kung saan nagmula si Ryan Bang. Kaya nasabi niya espeyal ang make over na ito.


Photo Source: Vice Ganda | YT

Nang sisimulan nga ang nasabing make over at pagtanggal ni Vice ng kaniya wig ay lumantad sa kaniyang mga tagahanga ang tunay na itsura ng kaniyang buhok. Mapapansin mo na ito ay dry at manipis na. Dahil na rin siguro ito sa madalas na matagal niyang pagsusuot ng mga wig.


Photo Source: Vice Ganda | Instagram


Photo Source: Vice Ganda | Instagram

Aminado din ng komendyante na dahil sa kaniyang buhok ay naging isa ito sa kaniyang mga naging “insecurities”. Sinabi naman ni Ryan Bang na ang magiging resulta sa naging treatment sa buhok na Vice Ganda ay makikita makalipas ng walong linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.