Masayang ibinahagi ni Yasmien Kurdi ang kanilang bagong sasakyan na isang green mini truck

Sa panahon ngayon nagiging “needs” o pangangailangan na ang pagkakaroon ng sasakyan. Hindi dahil para masabi na ikaw ay mayaman at may sasakyan kung hindi para sa pang-araw araw na pangangailangan. Lalong lalo na kung ikaw ay madalas na umaalis sa iyong bahay upang magtrabaho at lalo na kung malayo ang iyong pinagtatrabahuan.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Ang pagkakaroon ng sasakyan ay nagiging normal na lalo kung ikaw ay nakatira sa siyudad. Kahit na sapat lang ang iyong kinikita, walang sariling garahe ay puwede at posible kang magkaroon ng sasakyan. Ngunit para sa may kakayahan at mayayaman ay hindi basta-basta ang pinipiling sasakyan.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Tulad nalang nga ng aktres na si Yasmien Kurdi. Kamakailan lang nga ay hinangaan ng netizens ang bagong sasakyan ng aktres. Ito ay regalo sa kaniya ng kaniyang asawa na si Rey. Kung makikita nga natin ay masasabi natin na hindi basta-basta ang presyo ng kaniyang bagong sasakyan.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Laking tuwa at gulat na gulat nga ang aktres sa kaniyang natanggap na regalong sasakyan na surpresa sa kaniya ng kaniyang asawa. Ibinahagi naman ito ni Yasmien Kurdi sa kaniyang Instagram account at nagkaroon nga ito ng samutsaring reaksyon at komento.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Ang nasabing sasakyan nga ay isang berdeng mini truck. Kalakip naman ng kaniyang post ang maikiling caption na nagsasabing “New baby? Thank you Pangga! Rey Soldevilla Jr”. Mayroon din ditong nakalagay na #Dreamcar na tila ba ito ay matagal ng pangarap ni Yasmien.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Kaya naman hindi maipaliwanag ang kaniyang kasiyahan na naramdaman ng matanggap niya ito. Makikita mo rin na bilang isang buhay may asawa at isang ina ay masaya at kuntento si Yasmien sa kaniyang buhay.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Madami ngang nagbigay ng komento sa kaniyang naging post sa social media. Ilan nga dito ay ang mga kasamahan niya sa trabaho at mga malalapit na kaibigan. Ang iba naman ay kaniyang mga tagahanga. Ang iba pa ay kinilig sa ginawa ng kaniyang asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.