Pagmasdan ang kagandahan ng ngayon ay isang ganap nang dalaga na si The Voice Kids Champion Lyca Gairanod

Walang sinuman sa atin ang nakakaalam ng kapalaran ng isang tao. Walang sinuman ang nakakaalam ng kung ano ang ating magiging propesyon. Kung tayo ba ay mananatiling nasa ibaba o magtatagumpay at magiging nasa itaas kinabukasan. Katulad nalang nga sa buhay ni Lyca Gairanod.


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Instagram




Kung maalala nga natin, una siyang nag-viral sa social media ng ipinost siya ng isang netizens habang siya ay kumakanta. Nagkaroon ito ng samutsaring reaksyon at komento dahil sa nasabing video ay makikita ang kaniyang pagka-musmus at makikita mo rin na siya ay nangangalakal.

Ipinanganak na mahirap si Lyca, mangingisda ang kaniyang ama at nangangalakal naman ang kaniyang ina. Kumakanta-kanta siya sa kaniyang mga kapitbahay upang may pang-dagdag siya sa kanilang gastusin.


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Instagram

Hanggang sa si Lyca Gairanod ay lumahok at magwagi sa “The Voice Kids Philippines” na isang patimpalak sa pag-awit sa Kapamilya channel, nagbago ang kanilang buhay. Kung noon masasabi mo na sila ay walang-wala at naghihirap, ngayon naman ay nabibili na nila ang kanilang mga gusto.


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Instagram

Sa paglipas nga ng panahon hindi lang buhay ni Lyca Gairanod ang nagbago kung hindi pati na rin ang kaniyang pisikal na anyo ay tuluyang nag-iba. Sinong makapagsasabi na ang musmus na batang nangangalakal lang noon ay hindi lang magaling kumanta kung hindi may itinatago rin palang kagandahan.





Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Instagram

Kung masisilayan mo nga ang kaniyang social media account ay makikita mo na ganap na dalaga na si Lyca Gairanod ngayon. Sa edad niya na 17 taong gulang ay mas lalong lumalabas ang tunay niyang ganda.


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Instagram

Kaya hindi na rin nakapagtataka na marami na ang nagtangkang manligaw sa dalaga. Ngunit ayon naman kay Lyca Gairanod ay wala pa sa kaniyang isipan ang pagkakaroon ng karelasyon. Naka-pokus daw siya sa kaniyang pag-aaral at sa kaniyang karera.


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Instagram

Malayong-malayo na nga ang buhay niya ngayon sa kaniyang kinamulatang buhay noon. Kung dati ay kinakailangan pa nilang mangalakal upang may maihanda lang sa kanilang hapag-kainan, ngayon ay hindi na nila kailangang gawin iyon.


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Instagram

Sa kaniyang edad na 17 taong gulang ay marami na rin siyang naipundar. Tulad nalang nga ng buhay at kaniyang sasakyan na kamakailan niya lang naipundar. Sa ngayon ay pagba-vlog ang kaniyang kinakaabalahan at ito rin ang dahilan kaya siya nakapagpundar ng sasakyan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.