Ito na ngayon ang buhay ni Gwen Zamora at David Semerad na kasalukuyang naninirahan sa kanilang Modern Kubo sa Probinsya

Isa sa ating pinakamainam na gawin lalo na kung pagod tayo at stress sa trabaho ay ang magbakasyon sa malayo. Kung ang iba ay pinipiling sa siyudad o sa ibang bansa magbakasyon, ‘yong iba naman ay mas gugustuhing mapalapit sa kalikasan at magpunta sa malalayong probinsya.

Photo Courtesy: Gwen Zamora | Instagram





Photo Courtesy: Gwen Zamora | Instagram

Ang iba pa nga ay napapamahal na sa nasabing probinsya at kalaunan ay pipiliing doon na lamang manirahan. Tulad nalang nga ng aktres na si Gwen Zamora at kaniyang fiancé na si David Semerad kung saan ay iniwan ang kani-kaniyang karera upang mamuhay ng simple at tahimik sa probinsya ng Batangas.


Photo Courtesy: Gwen Zamora | Instagram

Kamakailan lang nga ay ibinahagi ng aktres na si Gwen at kaniyang fiancé na si David ang kanilang simpleng pamumuhay sa probinsya kung saan malayo sa ingay ng siyudad. Sa kanilang ipinagawang rest house sila ngayon naninirahan.


Photo Courtesy: Gwen Zamora | Instagram

Ayon pa nga sa kanila, hindi pa man sila mag-fiance ay naipundar na ni David ang farm lot na kinatatayuan ng kanilang rest house sa probinsya ng Batangas. Para sa karamihan ay nature lover ang mag-fiance na si David at Gwen kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit nila piniling manirahan sa probinsya kung saan malayo sa siyudad at ingay nito.


Photo Courtesy: Gwen Zamora | Instagram




Isang modernong kubo ang nasabing rest house kung saan ay taong 2019 sinimulang ipagawa. “Semerad Cabin” ang tawag nila dito. Kung dati-rati nga ay bakasyunan lamang nila ito, ngayon ay pinili na nilang manirahan dito. Ito ay nagsimula noong magpatupad ng quarantine ang ating bansa kaya mas napamahal silang manirahan dito.


Photo Courtesy: Gwen Zamora | Instagram

Hindi na rin nakapagtataka na piliin nilang manirahan dito at iwan ang kani-kaniyang karera. Sapagkat sa ganda ng tanawin mo dito na araw-araw mong makikita ay talagang magugustuhan mo manatili dito. Malinis at sariwang hangin ang iyong malalanghap, dagdagan pa ng tahimik na kapaligiran na malayong-malayo sa kung anong mayroon sa siyudad.


Photo Courtesy: Gwen Zamora | Instagram

Sa kanila ngang pananatili dito ay marami silang natutunan at pinagka-abalahan. Isa na nga rito ay ang pag-aalaga at pagtatanim ng mga halaman. Kung makikita nga sa Instagram ni Gwen ay ipinakita niya ang garden ng kaniyang fiancé na si David.


Photo Courtesy: Gwen Zamora | Instagram

Ipinagmamalaki niya rin kung gaano karesponsableng partner si David. Sabi pa nga ni Gwen na si David mismo ang namamalengke para sa kanila. Halos lahat nga ng uri ng gulay at prutas ay mayroong nakatanim dito. Mayayabong at matataba rin ang mga ito. Hindi lang nga si Gwen at David ang nanirahan dito sapagkat kasama nila ang kanilang nag-iisang anak na si Cooper. Kasama rin nila ang kanilang alaga na si Rotweiller.




Leave a Reply

Your email address will not be published.