Binigyan ng panibagong biyaya ang vlogger na si Congtv at Viy Cortez ngayong magkakaroon na sila ng kanilang anak

Ang lahat ng mga nangyayari sa ating buhay ay naaayon sa ating kapalaran o tadhana sa buhay. Mapait, masaya, nakakalungkot, o ano pa man ang nakatadhana para sa iyo, mangyayari at mangyayari ito. Tulad nalang nga ng sikat na vlogger na si Lincoln Cortez Velasquez o mas kilala bilang Cong TV at kaniyang kasintahan na si Viy Cortez kung saan kamakailan lang ay may ibinalitang maganda sa lahat ng kanilang mga tagahanga.


Photo Courtesy: Viy Cortez | Instagram





Photo Courtesy: Viy Cortez | Youtube

Ang balita nga na ito ay ginawa nila sa pamamagitan ng isang vlog kung saan ay ibinalita nila na si Viy Cortez ay nagdadalang-tao. Kung mapapanuod mo nga ang vlog na ito ay masasabi at makikita mo na labis-labis ang kanilang kasiyahan na nadarama.


Photo Courtesy: Viy Cortez | Youtube


Photo Courtesy: Viy Cortez | Youtube

Para sa nakararami hindi ito ang unang pagkakataon na magdadalang-tao si Viy Cortez sapagkat nakaraang taon lang ay ibinahagi rin nila ang kaniyang pagbubuntis sa kanilang sanang magiging panganay na anak. Ngunit sa kasamaang palad nga ay hindi ito naituloy dahil na rin sa kalagayan ng bata. Kaya nang malaman nila na nagdadalang-tao nang muli si Viy Cortez ay halo-halong emosyon ang kanilang nararamdaman.





Photo Courtesy: Viy Cortez | Youtube

Ayon pa nga sa kanilang magkasintahan na natatakot sila dahil baka mag-negative o baka hindi naman talaga buntis si Viy. Ngunit naging labis-labis nga ang kasiyahan nila nang malaman nila na kumpirmado nga at maayos ang lagay ng bata sa pamamagitan ng isang “sonogram”. Masayang-masaya silang ibinalita sa kanilang mga tagahanga ang napakagandang balitang ito pati na rin sa buong “TEAM PAYAMAN” na kasa-kasama nila sa loob ng bahay.


Photo Courtesy: Viy Cortez | Youtube

 


Photo Courtesy: Viy Cortez | Instagram

Si Cong TV ay isang sikat na vlogger sa ating bansa. Pagpapatawa at mga comedy ang madalas niyang i-content sa kaniyang mga vlog. Si Viy Cortez naman ay isang ring vlogger at isang matagumpay na negosyante.


Photo Courtesy: Viy Cortez | Instagram


Photo Courtesy: Viy Cortez | Instagram

Siguro nga sa unang pagdadalang-tao ni Viy Cortez noong nakaraang taon ay hindi pa para sa kanila ang pagkakaroon ng anak. At ngayong taon nga itinadhana at ibinigay sa kanila ang isang anghel na tatawagin nilang anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published.