Ito na ngayon ang buhay ng aksyon star na si Joko Diaz na isang mapagmahal na ama sa kaniyang pamilya

Tunay nga napakagaganda ng mga pelikula noong panahon ng 90’s. Hindi lang dahil sa mga astig at mayroong magagandang istorya ng pelikula kung hindi pati na rin sa mga tauhan na gumaganap dito. Kung maalala pa nga natin ay talagang uso ‘yong mga palabas na bakbakan, barilan, suntukan, at aksyon na masasabi mong napaka-astig kung mangyayari sa totoong buhay.


Photo Courtesy: Joko Diaz | Instagram




Isa nga sa mga tauhan na madalas gumanap sa mga pelikula noon ay ang batikang aktor na si Joko Diaz. Marahil ay isa ka sa kaniyang tagahanga at napabilib sa kaniyang mga galawan sa pelikula at tauhan na kaniyang ginagampanan.


Photo Courtesy: Joko Diaz | Instagram

Mapabida o kontrabida nga ay kayang-kaya niya at isa nga siya sa pinakamagaling na aktor noong kaniyang kapanahunan. Kung mapapanuod natin siya, ang madalas na kaniyang ginagampanan ay isang matipuno at astig na karakter.


Photo Courtesy: Joko Diaz | Instagram


Photo Courtesy: Joko Diaz | Instagram

Salungat naman ito sa kaniyang tunay na personalidad sa totoong buhay sapagkat isa siyang malambing, responsable at mapagmahal na asawa at magulang sa kaniyang mga anak. Mapapabilib ka rin sa kaniyang pagiging “one-woman man” na bihira nalang sa panahon ngayon.





Photo Courtesy: Joko Diaz | Instagram

Kung mapapanuod pa nga natin sa kaniyang mga pelikula noon ay tila ba parang playboy ang datingan ng ating idolo. Dahil na rin sa kaniyang matipunong pangangatawan, guwapong pagmumukha, sabayan pa ng kaniyang napaka-astig na galawan.


Photo Courtesy: Joko Diaz | Instagram

Pinatunayan niya naman na isa siyang loyal at mapagmahal sa kaniyang nag-iisang iniibig. Patunay nga nito ang kanilang masaya at matibay na pagsasama ng kaniyang asawa. Si Joko Diaz at ang kaniyang may-bahay ay nasa 19 taon nang nagsasama bilang mag-asawa.


Photo Courtesy: Joko Diaz | Instagram

Biniyayaan naman sila ng dalawang anak at para sa aktor, pamilya ang pinaka-kayamanan ng kaniyang buhay. Kung isa ka sa kaniyang solidong tagahanga ay makikita mo sa kaniyang social media account ang kanilang simple at masayang pagsasama bilang mag-asawa.


Photo Courtesy: Joko Diaz | Instagram

Madalas pa nga magbonding ang kanilang pamilya at magtravel sa magagandang destinasyon sa loob at labas ng ating bansa. Masasabi mo rin na isang napaka-supportive na asawa si Abigail, dahil kung makikita mo ang social media account nito ay isa siya sa nagpo-promote ng mga proyekto ni Joko Diaz.




Leave a Reply

Your email address will not be published.