Ito na ngayon ang buhay ni Rich Asuncion na ngayon ay mayroon nang sariling bahay at trabaho sa Australia

Sa buhay ng isang tao, may mga desisyon talagang dapat pinag-iisipang mabuti. Lalo na kapag ikaw ay pumasok na sa buhay may pamilya. Ang mga desisyon mo rito ay hindi na lamang para sa iyong sarili kung hindi ay para sa ikabubuti ng inyong pamilya lalo na ng inyong mga anak.


Photo Courtesy: Rich Asuncion | Instagram




Tulad nalang nga dating aktres na si Rich Asuncion na kamakailan lang ay ibinahagi ang pagkakaroon ng sariling bahay sa bansang Australia. Kung maaalala nga natin una siyang nakilala noong sumali siya ng Binibining Pilipinas 2009.


Photo Courtesy: Rich Asuncion | Instagram

Pinasok niya rin ang mundo ng showbiz nang sumali siya sa talent hunt ng Kapuso channel na Starstruck at binansagan nga siyang “First Princess”. Hanggang sa kalaunan nga ay iniwan din ang mundo ng showbiz upang mamuhay ng simple at manirahan sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya.


Photo Courtesy: Rich Asuncion | Instagram

Hindi ganoon kadali ang magdesisyon na manirahan at mangibang bansa. Sapagkat malalayo ka sa iyong kinagisnang buhay at mga kamag-anak. Ngunit para sa ikabubuti ng pamilya at kanilang magiging anak, pinili nilang mamuhay ng simple sa bansang Austrilla.


Photo Courtesy: Rich Asuncion | Instagram




Dahil nga sa sipag at tiyaga nila ng kaniyang asawa na si Benj Mudie ay nakapagpundar sila ng kanilang bahay sa bansang Australia. Hindi rin siya makapaghintay sa pagbuo ng mas maraming ala-ala kasama ng kaniyang lumalaking pamilya sa kanilang bagong bahay.


Photo Courtesy: Rich Asuncion | Instagram

Ibinahagi rin ni Rich Asuncion na siya ay nagdadalang-tao para sa kanilang ikalawang anak ni Benj Mudie. Ayon din kay Rich na itong pangyayari sa kanila ay isang “Dream come true” sapagkat ipinahayag niya na pinapangarap niya lamang ito noon.


Photo Courtesy: Rich Asuncion | Instagram

Kung makikita nga sa post niya sa kaniyang Instagram account, makikita ang kanilang litrato sa kanilang bagong bahay na makikitang masaya ang buong pamilya. Nagkaroon naman ito ng samutsaring reaksyon at komento sa netizens at sa mga kasamahan niya sa mundo ng showbiz.


Photo Courtesy: Rich Asuncion | Instagram


Photo Courtesy: Rich Asuncion | Instagram

Naninirahan ngayon ang kanilang pamilya sa Canberra Australia. Kung maalala nga natin, nakaraang taon ibinahagi ni Rich Asuncion ang kaniyang unang sahod bilang isang waitress sa isang restaurant doon. Si Rich at Benj ay ikinasal noong taong 2018.




Leave a Reply

Your email address will not be published.