Ito na ngayon ang napakagandang buhay ni Ethel Booba ngayong isa na siyang ganap na ina

Sabi nga nila “A happy wife is a happy life” na para sa karamihan ay totoo naman. Kapag masaya ang iyong may bahay, masaya at maganda ang inyong magiging buhay. Walang away, tahimik, malusog, at masaya ang iyong magiging pagsasama.


Photo Courtesy: Ethel Booba | Instagram




Tila naman isang patunay nito ang masaya at magandang pagsasama ng pamilya ng komedyanteng si Ethyl Gabison o mas kilala bilang “Ethel Booba”. Kung minalas at hindi nga naging maganda ang kaniyang mga naging karanasan sa kaniyang mga naging karelasyon dati, ngayon ay masasabi mong masaya at puno nang pagmamahal ang kanilang pagsasama ng kaniyang partner na si Jessie Salazar.


Photo Courtesy: Ethel Booba | Instagram

Kung mapapanood nga natin ang komedyante na si Ethel Booba ay talagang madadala ka sa kaniyang pagpapatawa at mga jokes. Hindi rin natin mahahalata na hindi maganda ang kaniyang naging karanasan sa kaniyang mga naging karelasyon.


Photo Courtesy: Ethel Booba | Instagram


Photo Courtesy: Ethel Booba | Instagram

Kaya laking pasasalamat niya at dumating sa kaniyang buhay ang partner niya ngayon na si Jessie kung saan ay biniyayaan pa sila ng isang maganda at malusog na anak na babae. Kung makikita mo nga sa social media account ni Ethel ay masasabi mong totoong kaligayahan ang kaniyang nararamdaman ngayon.


Photo Courtesy: Ethel Booba | Instagram





Photo Courtesy: Ethel Booba | Instagram

Sa kabilang banda naman ginawan ni Ethel Booba at Jessie Salazar ang kanilang anak ng Instagram account kung saan ay dito nila ipinopost ang mga cute at nakakatuwang litrato at video ng kanilang baby girl na ngayon nga ay lumalaking bibo.


Photo Courtesy: Ethel Booba | Instagram


Photo Courtesy: Ethel Booba | Instagram

Kung makikita mo rin ang iba sa mga post sa Instagram account ng kanilang anak ay litrato nilang pamilya na masasabi mong malusog at masaya ang kanilang pagsasama. Kaya naman pati netizens at kapwa katrabaho ni Ethel Booba sa industriya ng showbiz ay tuwang-tuwa at nahahawa sa goodvibes na kanilang dala.


Photo Courtesy: Ethel Booba | Instagram

Makikita mo nga ang positibong komento ng kanilang tagahanga at samutsaring reaksyon. Hiling ngayon ng mga tagahanga ni Ethel Booba na sana ay natagpuan na ni Ethel ang kaniyang matagal ng hinahanap na kaniyang makakasama sa pang habang-buhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.