Kilalanin ang napakagandang kasintahan ni Joey Marquez na tinanggap ng buo ang labing anim na anak nito

Nakilala natin si Joey Marquez bilang isang magaling na aktor at komedyante sa mundo ng show business. Hindi matatawaran ang galing niya sa pag-arte at pagpapatawa na tila natural lang para sa kaniya.

Photo Courtesy: Joey Marquez | Instagram




Ilan nga sa kaniyang mga ginampanang karakter ay ang pagiging chick boy o matinik sa mga babae. Tila naman hindi ito nalalayo sa kaniyang totoong buhay sapagkat isa siya sa pinakamaraming anak sa mundo ng showbiz.


Photo Courtesy: Joey Marquez | Instagram


Photo Courtesy: Joey Marquez | Instagram

Si Joey Marquez ay mayroong labing-anim (16) na anak. Ito ay anak niya sa iba’t ibang mga babae kabilang na rin ang dating asawa na si Alma Moreno. Kahit hindi naging maganda ang kaniyang pagsasama sa mga ina ng kaniyang anak, maganda at maayos naman ang relasyon nila sa isa’t-isa pati na rin sa lahat ng kaniyang mga anak.


Photo Courtesy: Joey Marquez | Instagram


Photo Courtesy: Joey Marquez | Instagram




Masasabi mong talagang matinik sa babae itong si Joey Marquez. Sa panayam nga sa kaniya sa isang programa sa Kapuso channel ibinahagi niya na hindi niya naman nakakalimutan ang mga pangalan ng kaniyang labing-anim na anak.


Photo Courtesy: Joey Marquez | Instagram


Photo Courtesy: Joey Marquez | Instagram

Ibinahagi rin ng komedyante na sa kabila ng pagkakaiba ng mga ina ng kaniyang mga anak, lagi niya raw pinagsasabihan ang kaniyang mga anak na huwag ituring ang isa’t-isa na half-brother/sister at magturingan na tunay na magkakapatid dahil sa huli sila-sila lang din ang magtutulungan.


Photo Courtesy: Joey Marquez | Instagram





Photo Courtesy: Joey Marquez | Instagram

Hindi naman naging huli para kay Joey Marquez na umibig pang muli dahil sa edad niyang 63 taong gulang nakatagpo siya ng babaeng nagpatibok ng kaniyang puso, ito nga ay ang non-showbiz na si Malu. Ikakasal na dapat ang dalawa ngunit na-kansela ito dahil na nga sa pandemiya ng buong mundo.


Photo Courtesy: Joey Marquez | Instagram

Dahil na nga sa kanilang mga edad ay hindi na rin nila binabalak na magkaroon pa ng anak. Isa na rin ang rason na may kaniya-kaniyang anak na sila sa dati nilang mga karelasyon. Malaki nga ang pasasalamat ni Joey Marquez sa kaniyang partner na si Malu dahil tinanggap nito ang labing-anim niyang anak pati na rin ang kaniyang nakaraan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.