Suportado ng anak ni Cherry Pie Picache ang kaniyang relasyon sa aktor na si Edu Manzano

Sa buhay, hindi tayo ang makakapagsabi kung sino ang nakatadhana sa atin. Kung sino ang makakasama natin sa pang habang-buhay. May kakayahan man tayong pumili ngunit hindi tayo ang makapagsasabi kung sila na nga ba ang makakasama natin hanggang sa ating pagtanda.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Cherry Pie Picache Soc. Media Accts.




Kahit sino man, kahit ang mga iniidolo natin ay walang kakayahan para malaman kung sino ang kanilang makakasama hanggang sa kanilang pagtanda. Tulad nalang nga ng mga batikang aktor at tanyag na mga personalidad sa mundo ng showbiz na sina Cherry Pie at Edu Manzano.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Cherry Pie Picache Soc. Media Accts.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Cherry Pie Picache Soc. Media Accts.

Kamakailan lang nga ay naging usap-usapan ang dalawang batikang aktor at aktres na ito nang makita silang magkasama. Kalaunan ay kinumpirma rin ng dalawa ang kanilang nagsisimulang relasyon. Lingid sa ating kaalaman na ang dalawa ay may kaniya-kaniya nang anak sa una nilang karelasyon.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Cherry Pie Picache Soc. Media Accts.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Cherry Pie Picache Soc. Media Accts.

Dahil na rin nga siguro hindi naging matagumpay ang kani-kanilang relasyon ay tuluyan nga itong humantong sa hiwalayan. Ganoon pa man si Edu Manzano ay maayos naman at maganda ang pakikisama sa dati niyang karelasyon na si Vilma Santos na ina ng kaniyang anak na si Luis Manzano.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Cherry Pie Picache Soc. Media Accts.




Ganoon din sa aktres na si Cherry Pie na kahit nahantong sa hiwalayan ay mabuti at maayos naman ang pagkakaibigan sa dating asawa. Ngayon nga ay nasa punto sila ng kanilang buhay na para bang mga dalaga at binata dahil na nga nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Cherry Pie Picache Soc. Media Accts.

Kinakiligan naman ito ng kanilang mga tagahanga at nasabi pang bagay nga daw ang dalawa. Bukod sa mga netizens ay suportado sila ng kani-kanilang mga anak. Si Luis Manzano ay suportado para sa relasyon ng kaniyang ama na si Edu Manzano.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Cherry Pie Picache Soc. Media Accts.

Si Antonio “Nio” Tria naman ay suportadong-suportado ang kaniyang ina sa para sa pag-ibig nito kay Edu Manzano. Ipinahayag niya ito nang minsan siyang makapanayam ng Kapamilya channel. Sinabi niya pa na matanda na raw ang kaniyang ina kaya alam niya na ang kaniyang ginagawa.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Cherry Pie Picache Soc. Media Accts.

Dagdag pa niya na dahil siya raw ay “Mama’s boy” ay hangad niya ang kaligayahan ng kaniyang ina at susuportahan niya ito sa lahat ng bagay. Si Edu at Cherry nga ay napag-uusapan ngayon dahil sa kanilang relasyon.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Cherry Pie Picache Soc. Media Accts.

Hindi naman mawawala sa kanilang mga tagahanga at mga netizens ang kilig at saya sa tuwing makikita ang kanilang pagsasama. Kung makikita nga sa kanilang social media account ay makikita mo nagbabahagi sila ng kanilang nakakakilig na sandaling magkasama.




Leave a Reply

Your email address will not be published.