Ibinahagi ni Anne Curtis ang first snow experience ni Dahlia sa bansang France

Noong kabataan natin pinapangarap natin na makaranas ng snow. Ngunit dahil nga tayo ay nasa Pilipinas at iba ang klima dito ay malabong mangyari iyon. Hanggang ngayon sa pagtanda karamihan sa atin ay pinapangarap pa rin na makaranas makakita at makapaglaro sa snow.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram




Siguro nga dahil sa mga palabas na napapanuod natin kaya naiingganyo tayo sa snow. Kung paano natin mapanood na nag-eenjoy ang tauhan sa nasabing palabas ay ganoon din ang kagustohan natin na maranasan ang pakiramdam na ito.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Ang snow ay matatagpuan lamang sa ibang bansa kung saan malamig ang klima tulad nalang nga ng Canada, America, Antartica, France at madami pang iba. Ito ay malabong matagpuan sa ating bansa sapagkat mainit ang klima natin.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Kaya ganoon na nga ang kasiyahan ng anak ni Anne Curtis na si baby Dahlia kung saan ay nakaranas ng kaniyang unang beses sa snow kamakailan lang. Ito nga ay ibinahagi ni Anne Curtis sa kaniyang social media account.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram




Nilagyan naman niya ito ng caption na “In the gorgeous capitale de noel, Strasbourg no less. Couldn’t miss this moment to give a nod to one of my favorite soundtracks by one of my fave composers, @dannyelfman”.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Dagdag niya pa ang pasasalamat sa kaniyang asawa dahil sa pagkuha ng litrato at mga video ng kanilang masasayang sandaling iyon. Hindi man kasama ang kaniyang asawa na si Erwan Heussaff sa mga litrato ay masasabi mo naman na kasama siya sa kanilang naging pamamasyal.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Hindi na bago para kina Erwan at Anne ang makaranas ng snow sapagkat bata pa lamang sila ay naranasan na nila ito. Dahil ito sa kanilang mga magulang na may ibang lahi at naranasan na rin nila manirahan sa ibang bansa.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Hindi man tayo nakakaranas ng snow dito sa Pilipinas, marapat na magpasalamat pa rin tayo dahil kasama natin ang ating mga pamilya. Sapagkat karamihan ng nangingibang bansa, nakakaranas man sila ng snow ay malungkot pa din ang kanilang pakiramdam sapagkat sila ay malayo sa kanilang mahal sa buhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.