Ito ang napakasayang Yacht Party ng aktres na si Angelica Panganiban bilang pagdiwang ng kaniyang kaarawan

Sa panahon ngayon napakahirap magkaroon o magdiwang ng isang okasyon, lalo na’t mayroon tayong kinakaharap na pandemya. Mahigpit ngayon na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng pagtitipon-tipon o pagsasama-sama para maiwasan ang pagkalat ng Covid.


Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram


Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram




Kung mapapansin nga natin sa mga iniidolo natin na nagbahagi ng kani-kanilang mga kaarawan, makikita natin na karamihan sa kanila ay sa bahay lamang ginanap ang selebrasyon ng kanilang kaarawan. Kasama ang iilan sa mga malalapit ng kaibigan at kanilang mga kapamilya.


Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram


Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram

May pandemya man o wala, marapat lang na ipagdiwang natin kahit papaano ang ating kaarawan. Hindi upang ipakita sa karamihan na kaya natin kung hindi upang magpasalamat sa mga nakapaligid sa atin na laging nandiyan para sa atin. Higit sa lahat upang magpasalamat sa ating Diyos para sa buhay niyang ibinigay sa atin.


Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram


Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram




Katulad na lang nga ng batikang aktres na si Angelica Panganiban na nakarang buwan lang ay nagdiwang ng kaniyang ika-35 na kaarawan. Ang pagdiriwang ay ibinahagi niya sa kaniyang social media account. Kung makikita nga natin ay ginanap ang selebrasyon sa isang Yatch sa Subic.


Photo Courtesy: Patty Yap | Instagram

Makikita rin natin na kasama niya ang kaniyang kasintahan na si Gregg Homan at ilan sa mga kaniyang malalapit na kaibigan. Makikita mo nga rin na ilan sa kaniyang mga kaibigan ay mga personalidad sa showbiz at ang iba naman ay non-showbiz.


Photo Courtesy: Patty Yap | Instagram

Ilan nga sa mga personalidad na dumalo sa nasabing pagdiriwang ay sina Maxene Magalona, Barbie Imperial, at ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli. Hindi rin mawawala ang pagbabahagi ng kaniyang mga kasama ng mga kaganapan sa nasabing party sa kani-kanilang social media account.


Photo Courtesy: Patty Yap | Instagram

Nag-abot pa nga ang mga ito ng kani-kanilang pagbati sa aktres. “Time to get nautical. Blessed Sunday” pagbati mula kay Isabel Oli. “Heaven on earth with this real-life angel.. Happy birthday” galing naman kay Maxene Magalona.


Photo Courtesy: Patty Yap | Instagram

Nagbahagi rin ang magkasintahan na si Gregg at Angelica ng kanilang mga larawan sa naganap na selebrasyon sa Yatch Party sa kani-kanilang Instagram account. Hindi naman maitatago ng aktres ang labis na kasiyahan para sa kaniyang espesyal na araw lalo na at kasama niya ang kaniyang nobyo at malalapit na kaibigan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.