Marian Rivera, nagpasalamat sa kaniyang matagumpay na pagganap bilang isang hurado sa Miss Universe pageant na ginanap sa Israel. Ika nga nila, sa buhay natin ay bihira lang tayo mabigyan ng pagkakataon sa isang bagay, kaya huwag natin itong isa walang bahala o tanggihan bagkus ay ating tanggapin at gampanan ng buong husay, kasi alam natin sa huli na ito ay isang panibagong simula at pagsubok na daragdag para sa ikauunlad ng ating sarili.
Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram
May mga pagkakataong hindi natin maiiwasang makatanggap ng pangungutya at maging mga hindi magagandang salita mula sa mga taong nasa paligid natin. Ngunit palagi nating pakaiisipin na ang lahat ng ito ay kasama sa mga hamon at pagsubok sa buhay.
Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram
Katulad na lamang ng kilala at sikat na aktres na si Marian Rivera na nakuha at napili upang maging isang hurado sa 70th edition ng Miss Universe pageant na ginanap sa Eilat, Israel. Kaya naman, noong Disyembre 6 ay lumuwas ang Kapuso Primetime Queen sa Israel kasama ang team at ang napaka-supportive nitong asawa na si Dingdong Dantes.
Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram
Matatandaan naman na noong Disyembre 9 ay ganap ng ipinakilala bilang isa sa mga hurado ng nasabing pageant si Marian. Kung ating mapapansin ay palaging nangunguna o trending sa Twitter si Marian na ang bawat galaw nito ang sinusubaybayan o pinag-uusapan.
Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram
Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram
Ang nasabing aktres ay nagpost sa kaniyang Facebook account kung saan ay ipinarating niya ang kaniyang buong pusong pasasalamat. Ika ng aktres, isang malaking karangalan para sa kaniya ang mapili at maging isang hurado sa sikat at prestihiyosong beauty pageant. Dagdag pa niya, ito ay isang napakagandang karanasan na hindi niya malilimutan. Ipinaabot din ng aktres ang kaniyang pasasalamat at pagbati sa mga nakilahok sa nasabing pageant.
Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram
Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram
Nagpasalamat din si Marian sa mga taong tumulong, sumama at nag-alaga sa kaniya sa Israel. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ng taos puso si Francis Libiran, isang Filipino designer at sampo ng mga kasamahan nito, na gumawa ng kaniyang gown na kaniyang sinuot sa huling gabi ng pageant.