Ipinagdiwang ni Jimmy Santos ang kaniyang 70th Birthday sa pamamagitan ng pagtulong sa kaniyang kapwa

Sa ika-70 kaarawan ni Jimmy Santos ay namahagi siya ng biyaya sa mga taong kapos-palad. Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa isa sa mga sikat na komedyante sa Pilipinas na nagpatawa sa atin noon at magpahanggang ngayon. Siya lang naman ay walang iba kundi si Jimmy Santos.

Photo Courtesy: Jimmy Santos | Youtube

Nagsimula magpatawa ang aktor noong pumasok siya sa showbiz noong 1980 at mabilis siyang nakilala dahil sa kanyang angking galing. Dahil sa dami ng mga tao na nahumaling sa kanya at nakapasok siya sa isa sa mga pinakasikat na noontime show na kilala sa tawag na Eat Bulaga.


Photo Courtesy: Jimmy Santos | Youtube


Photo Courtesy: Jimmy Santos | Youtube

Magpahanggang ngayon ay aktibo pa din ang aktor sa noontime show na ito at patuloy pa din na nagbibigay ng ngiti sa bawat Pilipino. Napabalita na noong nakaraang ika-8 ng Oktubre ay ang araw ng kanyang ika- 70 kaarawan na kung saan mas pinili niya na mamahagi ng tulong sa mga kababayan niya na kapos palad kasama ang kanyang mga kaibigan.


Photo Courtesy: Jimmy Santos | Youtube


Photo Courtesy: Jimmy Santos | Youtube

Namigay ang aktor ng mga groceries sa mga kapos palad. Hindi alintana ni Jimmy na mayroon pang karamdaman ang nagbabanta sa kalusugan ng tao. Sa kabila ng kanyang edad ay hindi siya nag paawat sa gusto niyang gawin sa araw ng kanyang kaarawan.


Photo Courtesy: Jimmy Santos | Instagram

Saad ng aktor sa isang panayam na mas minabuti niyang mamahagi ng groceries sa mga taong nangangailangan kaysa sa gumastos siya sa paghahanda sa araw ng kanyang kaarawan. Nareyalisa umano niya na maraming tao ang nagugutom sa panahon ngayon dahil sa krisis na ating kinakaharap kung kaya nag isip siya ng paraan upang makatulong man lang kahit papaano.


Photo Courtesy: Jimmy Santos | Instagram

Marami din ang nakapansin na minsan na lamang mamataan ang aktor sa noon time show at ito ay dahil na din sa kanyang edad. Kung kaya pinili na lang din ng aktor na pasukin ang mundo ng pag Vlog sa youtube upang patuloy siyang makapagbigay ng tulong sa kapwa. Madalas ang content ng kanyang mga vlog ay patungkol sa pagtulong sa kapwa kagaya na lamang ng kanyang ginawa sa araw ng kanyang kaarawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *