Ito na ngayon ang buhay ng dating childstar at singer na si Makisig Morales kasama ang kaniyang napakagandang asawa

Alamin ang buhay ni Makisig Morales kasama ang kanyang pinakamamahal na babae.
Isa sa mga hinahangaan na batang aktor noon na hindi natin malilimutan ay si Makisig Morales. Unang nakilala ang batang aktor na ito sa isang reality TV show na pinamagatan na Little Big Star.


Photo Courtesy: Makisig Morales | Instagram





Photo Courtesy: Makisig Morales | Instagram

Sa programa na ito natin nasubaybayan ang galing nito sa larangan ng pagkanta. Marami ang humanga sa taglay na talento at pagkabibo ni Makisig na naging dahilan upang siya ay madiskubre at maging ganap na artista.


Photo Courtesy: Makisig Morales | Instagram


Photo Courtesy: Makisig Morales | Instagram

Mas lalong nakilala ang nasabing aktor nang pagbidahan niya ang isa sa mga pinakaaabangan ng mga tao noon na palabas na pinamagatang Super Inggo noong 2006 hanggang 2007.


Photo Courtesy: Makisig Morales | Instagram


Photo Courtesy: Makisig Morales | Instagram




Dahil sa matagumpay na pagbida niya sa palabas na ito at magandang pagganap sa kanyang role ay mas lalong naging maganda ang takbo ng kanyang buhay showbiz. Hindi makapaniwala ang karamihan na sa murang edad ni Makisig ay makakamit niya ang hindi mapantayang kasikatan at pagmamahal mula sa mga tagasubaybay.


Photo Courtesy: Makisig Morales | Instagram

Ngunit tulad din ng ibang mga kilala nating artista ay hindi din nagtagal ang batang aktor noon sa kadahilanan na kailangan ng kanyang buong pamilya na lumipat sa ibang bansa.


Photo Courtesy: Makisig Morales | Instagram

Kasalukuyang masayang naninirahan ang binata sa Australia kasama ang kanyang buong pamilya. Kahit na tumigil na ang aktor sa kanyang buhay showbiz ay patuloy pa din ang pagpasok ng biyaya sa kanilang buhay dahil nakapagpundar umano ito ng negosyo sa Australia. Kasalukuyang ang dating batang aktor na ating kilala ay isa nang ganap na binata dahil siya ay 24 taon gulang na.


Photo Courtesy: Makisig Morales | Instagram

Pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig ay dalawang taon na din sila nagsasama ng kanyang asawa na isang beauty Queen na naging kalahok sa Miss Earth Australia noong 2017.


Photo Courtesy: Makisig Morales | Instagram

Kahit na matagal nang wala sa Pilipinas ang nasabing aktor at may pamilya na din ay hindi pa din mawawala ang napakagalang at maginoo na Makisig na ating nakilala noon. Sa isang panayam sa mag-asawa ay ibinahagi nila ang kanilang plano sa buhay at ito ay makapagpatayo ng sariling tahanan at magkaroon ng baby.




Leave a Reply

Your email address will not be published.